Buong Pilipinas ang paghataw sa ratings ng Eat Bulaga. No wonder, natutuwa ang namamahala sa program dahil walang hanggan ang pagsisikap nilang laging mataas ang kanilang ratings mula Metro Manila hanggang sa kadulu-duluhang bayan sa Mindanao.
As we all know, patuloy pa ring namamayapagpag sa ratings ang EB sa buong Maynila at karatig probinsiya.
Maging sa parte ng Visayas, malaki-laki na rin ang audience share ng programa kaya inspirado ang nasa loob ng show.
Alam ng EB na sibak na naman ang katapat nilang show at merong bagong show na namang itatapat sa kanila.
Pero hindi titigil ang program upang lalo pang palakasin ang programa hindi lang sa Metro Manila, Luzon at Visayas kungdi maging sa Mindanao.
Siyanga pala, sa kababayan natin sa San Francisco, California, isang pabulosong show ang handog ng EB Dabarkads sa March 31 na gagawin sa Cow Palace!