Home Opinion Hanggang kailan magdurusasa pagsirit ng lahat na?

Hanggang kailan magdurusa
sa pagsirit ng lahat na?

533
0
SHARE

HAYAN, panibagong pagtaas na naman
sa presyo ng diesel, gasolina’t ibang
uri ng langis na produkto ng bansang
nasasakupan ng Malayong Silangan.

Pagkat ang patuloy na pagsirit nito
ang siyang kumbaga’y magdirikta mismo
upang anumang klase ng produkto
ay posible nga r’yang magmahal ng husto.

Hanggang sa hindi na makayang maabot
bilhin lalo nitong mga isang isang kayod –
isang tuka, na ang buhay parang manok,
at siyang sa hirap ay di makaraos.

Yan nga kasing langis ang parating mitsa
ng pagmahal pati ng lumang paninda
sapagkat sa bawat dagdag na halaga
ang presyo ng lahat kabuntot lagi na

At natural lang na sa bawat pagtaas
nitong gasolina, diesel at ‘cooking gas,’
kalinsabay nito o kasunod agad
pangunahing bilihin ang tumataas.

Kabuntot uli n’yan dagdag pamasahe,n
ng singil sa tubig at saka kuryente;
di pahuhuli ang ibang negosyante
ng para sa kanya sa ibang diskarte.

Partikular na r’yan itong Caltex at Shell,
ang Total at lahat na ng ‘small player,’
na kahit ‘old stock’ ang kanilang diesel
at gasoline, sabi ay bagong ‘deliver’.

Nakapagtatakang ngayon inihayag,
na singkwento pesos ang magiging dagdag
sa dating presyo ay pagkarga r’yan bukas
ng umaga ni Sir, ‘instant’ ang pagtaas?

Imposibleng wala na ang dating laman
ng tangke ng isang may gasolinahan
sa loob lamang ng magdamag, kaya’t yan
masasabi nating grabeng katusuhan.

Aywan lang kung bakit ang ating gobyerno
ay tayngang kawali sa bagay na ito
na isang tuwirang grabeng panloloko
sa nakararaming mga Pilipino.

Na maliwanag pa sa sikat ng araw
ang sa atin nga ay simpleng pagnakanakaw
ng ibang ‘owner’ ng ‘gasoline station’
na masahol pa sa ‘grasshopper’ ang takaw.

Ang Sec ba r’yan ng ‘Department of Energy’
na dili’t iba ay si Alfredo Cusi,
todo pasa lamang din hangga’t maari
kaya’t ang ganyan ay diyan nangyayari?

Di ko sinasabing kunsintidor siya
kaya tuloy-tuloy ang ganyang sistema
na kahit ‘old stock’nagagawa nila
na ito ay bagong ‘deliver’ kumbaga?

Di ko sinasabing itong si Sec Cusi
sa gawang di tama ay nangungunsite,
kundi bagkus sana, hangga’t maaari
ang ating hinala siyasating mabuti!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here