Halalan na naman, sinong dapat nating ihalal?

    223
    0
    SHARE
    Ng ‘releasing officer’ ng Gobernador,
    Kaya nagawa nilang palitan noon
    Ang materyales na ating kinukwestyon,
    Bago sumapit ang ginawang inspeksyon.

    Kasi nga, kung ito ay naging maagap
    Sa pagtugon o ginawang pagsisiyasat,
    Ang punong barangay ay di nakaligtas 
    Sa pinakialamang ‘construction materials’

    Na aywan, kung bobo o hindi marunong
    Sumuri ng gamit itong nag-inspeksyon,
    Kung bago o luma ang dinatnan nitong
    Materyales, gaya ng semento’t kahoy;

    Pagkat siguradong bato na sa tigas
    Ang semento sa tagal ng pagka-imbak,
    At ang kahoy sa loob ng nakalipas
    Na panahon, pihong mapapansin agad

    Kung luma o bago sa hitsura pa lang,
    Kaya’t masasabi nating pinagtakpan
    Na lang marahil ng nag-inspeksyon niyan,
    Ang kapitana at ang ‘school principal’

    Na siyang pirmado sa ‘delivery receipt’
    Nitong ‘construction materials’ na nabanggit;
    Ng lingid mismo sa PTA President,
    Gayong kasama siya nang ito’y i-‘request’.

    At nitong huli ay nasundan uli yan,
    Ng isa pang halos kahalintulad n’yan;
    Aywan lang kung si Kap ay sangkot na naman,
    O pinagtakpan lang ng ‘school principal’

    Kasi tanging siya lamang ang umamin
    Na may materyales nga silang dumating,
    At inilagak daw yata ang nasabing
    Materyales sa isang kabarangay mandin.

    At ang ibang natanggap na materyales
    Ay sa bakod nitong iskwela ginamit,
    Kaya lang, bobo ka man sa ‘mathematics’
    Ay mapapansin mong ‘overpriced’ ang lintik!)

    Hayan, kagaya ng nasabi po natin,
    May papalapit na halalang darating;
    Kung saan daragsa na nama’t pamuling
    Sila ay hihingi ng boto sa atin.

    At kung sinu-sino itong maghahangad
    Maupo sa puesto, magmula Kagawad
    Hanggang sa posisyong pinakamataas
    Sa bawat barangay nitong Pilipinas.

    May mga nag-aral at mayrun din namang
    Nagtapos lang sa mababang paaralan,
    Pero minsan ay di sa anong antas yan
    Nakatapos kaya posibleng mahusay.

    Pagkat nakatuntong man ng mas mataas
    Na baitang ang sinumang nangangarap
    Na maging Kapitan o kaya Kagawad
    Ay posibleng daig ng mababang antas

    Sa puntong ang isa ay sinusunod n’yan
    Ang ‘protocol’ bilang ika nga’y opisyal;
    Partikular na ang tamang panuntunan
    Sa pamalakad sa isyung pambarangay.

    At di komo kamag-anak halimbawa
    Ang posibleng nakagawa ng di tama,
    Ay paiikutin natin ang kabila
    Sa paraang wala sa lugar ika nga.

    Tayong manghahalal kasama sa ating
    Obligasyong moral ang pakasuriin
    Ang sinumang taong ihahalal natin
    Base sa rekords at pagkatao na rin.

    At huag titingnan sa kama-kamaganak
    Ang pagboto natin sa lahat ng oras,
    Pagkat kung wala rin naman pong binatbat,
    Anong maasahan na magandang bukas?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here