Hagonoy isolated dahil sa backflood

    668
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan—Halos nahiwalay sa buong Bulacan ang coastal town na ito dahil sa hindi na makapasok ang mga light vehicles sanhi ng back floods mula sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

    Ayon  kay Vice Mayor Elmer Santos, hindi madaanan ng light vehicles tulad ng kotse, van at tricycle ang Hagonoy-Calumpit Road at Hagonoy-Malolos Road mula pa noong Linggo ng gabi.

    Ito ay dahil sa back flood mula sa tubig na pinatapon ng Pantabangan Dam noong nakaraang linggo.

    “Mga trucks lang ang puwedeng dumaan dahil sa may mga bahagi na more than five feet ang lalim ng tubig,” ani Santos.

    Dahil sa pagdating ng back flood, lumubog ang 12 barangay nitong Lunes kumpara sa walong barangay na lumubog noong Biyernes.

    Dumami rin ang apektadong barangay na lumubog sa bayan ng Calumpit.  Noong Biyernes ay 10 barangay lamang ang apektado ng pagbaha doon, kahapon ay halos 20 na.

    Dahil pa rin sa pagbaha, sinuspinde ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bayang ito, ngunit may mga pribadiong paaralan na nagklase pa rin hanggang kahapon ng tanghali.

    Ayon kay Santos, kakaiba ang back flood na nagpalubog sa bayang ito dahil sa hindi naman umapaw ang mga ilog.

    “Kakaiba ang bahang ito, hindi sa ilog dumaan ang tubig, sa halip ay sa mga bukid at mga bakuran, kaya pinaalalahanan namin ang mga barangay officials to not only monitor water level on rivers but on ricelands and fishponds as well,” ani Santos.

    Inayunan naman ito ng mga resident eng Calumpit na nagsabing mula pa noong nakaraang linggo ay umaapaw na ang ilog sa Barangay Calizon at ang tubig doon ay tumawid sa kalsada na nagpalubog sa mga bukiring kaugnay ng mga bukirin sa bayang ito.

    “Napakabilis ng pagtaas ng tubig dito sa amin, isang baytang na lang ng hagdan lulubog na ang second floor ng bahay namin,” ani Caridad Robles, isang residente ng  Sitio Pulo, Barangay San Jose, Calumpit.

    Dahil dito, hindi na makaraan ang mga sasakyang panlupa sa mga lansangan at napalitan na iyon ng mga bangka.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here