OLONGAPO CITY — Hinatulan ni Olongapo City Regional Trial Court Branch 72 Judge Richard Paradeza ng reclusion perpetua o 40 taon na pagkabilanggo si Edgardo Luib, ang gunman sa pagpatay sa businessman na si Dominic Sytin sa Subic Bay Freeport noong Nov. 2018.
Nasa anim hanggang 12 taon naman ang natanggap ni Luib para sa frustrated murder kay Efren Espartero, ang bodyguard ni Sytin.
Matatandaan na inamin ni Luib ang pamamaril sa dalawang biktima base sa utos umano ng nakababatang kapatid ni Sytin na si Alan Dennis.
Itinanggi naman ni Dennis ang akusasyon na sangkot siya sa pagpatay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dominic na siyang presidente ng United Auctioneers, Incorporated.
Kasalukuyan pa ring at large sina Dennis at Oliver Fuentes alyas Ryan Rementilla, is pang suspect sa pagpatay.
Si Luib ay nakatakda namang ilipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.