Home Headlines Gulay mula Mt. Province ipamimigay sa Bocaue bilang relief goods

Gulay mula Mt. Province ipamimigay sa Bocaue bilang relief goods

1094
0
SHARE

Si Mayor Joni Villanueva habang pinangungunahan ang pagre-repack ng mga gulay na ipapamahagi sa mga senior citizens. Photo courtesy of Municipality of Bocaue


 

BOCAUE, Bulacan — Binili ng pamahalaang bayan ang aning gulay sa Mt. Province bilang relief goods at ipamahagi sa 16,000 na miyembro ng mga senior citizen na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa Covid-19.

Aabot sa P500,000 halaga o katumbas ng 13,200 na kilo ng sari-saring gulay tulad ng sayote, broccoli, carrots, patatas at repolyo ang inirerepack ng volunteer group ng Bocaue.

Ayon kay Mayor Joni Villanueva, minabuti nilang bilhin ang mga gulay sa Mt. Province upang hindi na ito masayang dahil hindi na nabibili hanggang sa mabulok at itapon. Sasamahan din ang mga gulay ng bigas at mga de lata bago ipamigay.

Aniya, ang mga senior citizen ay kinakailangang masusustansiya ang mga kinakain kayat napili nilang bigyan ng gulay na mainam na pagpapalakas ng katawan kontra coronavirus.

Hinihikayat din ni Villanueva ang iba pang mga LGU na bumili sa mga magsasaka ng gulay upang hindi masayang at kumita din ang mga ito kahit umiiral ang enhanced community quarantine. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here