Home Headlines Grade 9 student winner sa Asian Junior Taekwondo Championship

Grade 9 student winner sa Asian Junior Taekwondo Championship

1921
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Nagbunga ang pagtitiyaga at pagsisikap sa training ng isang Grade 9 student mula sa lungsod na ito matapos magwagi sa katatapos na 10th Asian Junior Kyorugi Taekwondo Championships sa Amman, Jordan.

Nagbalik ng bansa si Sharifa Vianca Espino Dela Cruz, 14, honor student ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) bitbit ang silver medal nang talunin ang ilang mas experienced at mas malalaking manlalaro gamit ang kanyang trademark na “snake kick” nitong July 21-22, 2019.

Kinatawan ni Dela Cruz sa kumpetisyon ang Pilipinas bilang miyembro ng Philippine National Junior Kyorugi Team na sanctioned ng Philippine Sports Commission.

Pagbalik ng bansa nitong Sabado ay balik ensayo, kasama ang kanyang mga kapwa taekwondo players, si Dela Cruz sa kanyang pinakapaboritong sports lalo’t nahaharap na naman siya sa isa pang tournament sa buwan ng Agosto..

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Dela Cruz sa karanasan na katawanin ang Pilipinas sa ibayong dagat sa kauna-unahang pagkakataon na dinidomina ng expreienced at mas malalaki na 15 to 17 years old na manlalaro.

Hindi naman kasi biro ang kanyang paghahanda na tournament lalo’t kinailangan niyang lumuwas sa Metro Manila para sa ibayong pagsasanay.

“Pagkatapos ng training ay sasakay pa sa LRT dahil dito nga po tayo sa Nueva Ecija,” kwento ni Dela Cruz. Sa kabila ng pagod ay hindi naman siya maaaring kumain ng sobra dahil kailangang manatili ang kanyang timbang, paliwanag nita.

Bahagyang kinapos sa higit na malaking Tsina pero itinuturing na napakalaking achievement para kay Dela Cruz ang panalo kontra sa mas malaking Thailand jin na gold medalist ng 2018 Korea Open Taekwondo championships.

Nauna nang nakapag-uwi ng gintong medalya si Dela Cruz sa international competition, partikular ang 14th ASEAN Taekwondo Championships na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong taon. Noong 2018 ay nag-kampeon rin si Dela Cruz sa Cadet Category ng Batang Pinoy National Championship sa Baguio City.

Ayon naman sa coach ni Dela Cruz, na si Johann Ocampo, inaasahan naman raw ang pagwawagi ng kanyang estudyante.

“Si Sharifa ay hindi lamang mahusay na taekwondo player, masipag at mahusay rin siyang estudyante,” sabi ni Ocampo.

Hindi matatawaran ang disiplina ng mga manlalaro ng taekwondo katulad ni Dela Cruz at mga kasama nito, ani Ocampo.

Hindi aniya naiiwasan na may masaktan sa panahon ng ensayo pero nanaig sa kanila ang kahinahunan at pang-unawa.

Hinikayat ni Dela Cruz ang mga kapwa niya kabataan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap. “Noon ay napapanood ko lang at napapangarap ang paglalaro na kinakatawan ang Pilipinas, pero ngayon ay nagawa ko na,” sabi niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here