Gov sa PDEA: Pangalanan ang mga opisyal na sangkot sa droga

    365
    0
    SHARE

    CABANATUAN CITY – Hinamon ni Gov. Aurelio Umali ang Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA) na pangalanan ang mga opisyal ng gobyerno at pulis na sangkot sa operasyon ng mga sindikato sa ipinagbabawal na gamot sa Nueva Ecija.

    “You need to name names. Identify the biggest drug pusher. And are there public officials and policemen involved?

    And is there any clandestine laboratory in Nueva Ecija?,” ani Umali matapos mag-ulat si PDEA Regional Director Jeoffrey Tacio hinggil sa sitwasyon ng droga sa lalawigan sa pagpupulong ng provincial peace and order council sa Old Capitol dito kamakailan.

    Kasama sa pulong ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya tulad ng Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, Philippine Army, Department of Justice at iba pa. Dumalo rin sina DILG Region 3 director Florida Dijan, DILG assistant regional director at concurrent provincial director, Dr. Abraham Pascua, Army Col. Felimon Santos, commander of the 703rd Infantry Brigade at police deputy provincial director for operations, Supt. Bernie Orig.

    Sa ulat ni Tacio, ay sinabi nito na nagsagawa ang kanilang tanggapan ng 233 operasyon laban sa illegal drugs at naka-aresto ng 322 suspek, nakakumpiska ng 532 gramo of metamphetamine hydrochloride o shabu at 9,550 gramo ng marijuana.

    Umabot naman sa 226 kaso ang kanilang naisampa sa hukuman. Sa mga naaresto, 173 ang  tulak at 92 ang possessor. Samantala, sa 233 operasyon, 176 ay buy-bust at search warrant naman ang nalalabi.

    Ani Tacio, ang Cabanatuan ang may pinakamaraming barangay na apektado ng droga sa bilang na 13, sinundan ng Sta. Rosa, San Jose City at Sto. Domingo.

    Ani Umali naman, samantalang ginagawa ng PDEA ang tungkulin nito upang lipulin ang mga taong sangkot sa droga, makabubuti sa publiko kung papangalanan nito ang mga pinakamamalalaking tulak ng ipinagbabawal na gamot. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here