Home Headlines Go: Ibuhos ang suporta sa magsasaka

Go: Ibuhos ang suporta sa magsasaka

604
0
SHARE
Sen. Bong Go kasama ang ilang lokal na opisyal. Kuha ni Armand Galang

TALAVERA, Nueva Ecija – Nanawagan si Sen. Bong Go sa pamahalaan na ibuhos na lahat ng ayuda sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga magsasaka, sa harap ng banta ng El Nino phenomenon.

Sa panayam ng media, sinabi ni Go na hindi dapat umasa ang Pilipinas sa importasyon dahil maaaring mamroblema rin ang ibang bansa, katulad ng Vietnam, kapag naminsala ang grabeng tagtuyot.

Si Go, miyembro ng Senate committee on agriculture and food, ay bumisita sa ilang tulay at sa Malasakit Center sa Talavera General Hospital dito, kasama sina Nueva Ecija 1st Dist. Rep. Mika Suansing, Mayor Nerito Santos, Jr. at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez nitong Huwebes.

“Importante po na magkaroon tayo ng immediate at long term solution sa possible rice crisis dahil sa El Nino,” sabi ni Go.

Dapat na unahin ang mga magsasaka upang hindi magutom ang kanilang pamilya kapag humina ang kanilang kita, dagdag pa nito.

“Sa ngayon, dapat paghandaan po ito ng ating Department of Agriculture to boost our buffer stock, ” ani Go. May mga imbak pang palay ang National Food Authority na manggagaling sa mga lokal na magsasaka, dugtong niya.

“Dagdagan natin ang mga interventions, agricultural inputs katulad ng fertilizers, drought resistant palay seeds para sa mga farmers coops po lalo na yung mga marginal small-scale farmers, ” sabi ng senador. 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here