GMA exec binastos si Angel Locsin

    549
    0
    SHARE
    Sa presscon, naitanong kay Angel ang reaksyon niya sa mga napakagandang papuri sa kanya ni Gov. Vilma Santos at anang young actress, sobrang flattered at thankful niya.

    “Nakakatuwang isipin na mayroong taong nakagusto sa ’yo, ’di ba? Thank you,” tila nakikiming say ni Angel.

    Nilinaw din niya na hindi naman sa itinatago niya ang relasyon with Luis Manzano kaya up to now, wala pang pag-amin na nanggagaling sa kanila.

    “Actually, ’yan ’yung bagay na hindi ko naman iniiwasan, pero hindi ko naman sinasagot. Hindi naman sa itinatago, parang ilang kami pareho na pag-usapan talaga.”

    Naitanong din kay Angel ang tungkol sa isyu niya with GMA-7 and Mother Lily Monteverde na hanggang ngayon ay iniisyu pa rin sa kanya ng mga detractor niya.

    Aniya, pareho raw malaki ang respeto niya sa mga taong concerned.

    “Nagpadala ako ng flowers kay Mother (Lily), mabait naman si Mother, eh,” she said.

    She also revealed na nagkita sila ni Wilma Galvante (GMA-7 SVP for Entertainment TV) sa Belo launching kamakailan at niyakap niya ito, pero wala siyang nakuhang response.

    “Sabi ko, sorry, Tita, tapos, niyakap ko siya, ’di niya ako pinansin. Pero naiintindihan ko naman ’yon, ’di ba? Pero ako, sino naman ako para magmalaki, basta ako…wala naman, eh. Trabaho lang naman ’yon (meaning, the transfer), eh.”

    Naitanong din kay Angel ang tungkol sa napabalitang si Malou Santos na of Star Cinema ang manager niya at hindi na si Becky Aguila.

    “’Yun ang isa sa ikinagugulat ko kung saan nanggagaling ’yung issue na ’yon kasi nahihiya rin ako kay Tita Malou at sa iba pang artista na iniisip nila na manager ko si Tita Malou, pero hindi.

    “Si Tita Malou lang talaga ’yung pinaka-kontak namin nu’ng lumipat kami. Sa kanya kami nakikipag-coordinate ng lahat-lahat talaga.

    “Pero, si Tita Becky pa rin naman ang nagha-handle ng schedule ko,” she said.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here