Home Headlines Ginto, silver at bronze nasungkit ng Pinas sa Lawn bowls competition

Ginto, silver at bronze nasungkit ng Pinas sa Lawn bowls competition

99
0
SHARE

Ang mga Pinoy na manlalaro ng Lawn Bowls habang nagbubunyi matapos masungkit ang gintong medalya sa 30th SEA Games na ginanap sa bansa. (ROMMEL RAMOS)

CLARK, Pampanga —- Nasungkit ng Pilipinas ang gold, silver at bronze sa larong Lawn Bowls na ginanap nitong December 2.

Nanalo sina Rodel Labayo at Angelo Morales ng ginto sa mens doubles laban sa bansang Thailand.

Samantala ay nanalo naman ng silver sina Elmer Abatayo, Christopher Dagpin at Hommer Mercado sa mens triples laban sa Malaysia.

Habang sina Ronnalyn Greenlees at Nenita Taviano naman ay nasungkit ang bronze medal sa ladies fairs laban sa Thailand.

Ayon sa mga manlalarong Pinoy ng Lawn Bowls, masaya sila na nakasungkit ng mga medalya sa SEA games gayong sa sariling bansa ito ginanap.

Sana anila ay maraming Pilipino ang mag-interes sa larong ito sa sumabak sa mga darating pang kumpetisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here