Gaya ng kanyang manager??? Nanay ng sikat na aktres lulong na rin sa casino?

    434
    0
    SHARE
    If we have to believe some sources, naglalagi na rin daw sa casino ang nanay ng isang sikat na aktres.  Karay ang ilang press friends, noong una raw, parang gusto lang nitong matikman ang excitement ng pagka-casino pero nang mapagtalo na ito ng malaki, pinanay-panay na nito ang pagpunta sa casino para mabawi ang malaking natalo sa kanya.

    Pero sadyang malas si madir dahil ayan ngayon, milyones na raw ang babawiin niya.

    Well, hindi na bago ang kuwentong ito sa showbiz. ‘Wag naman sanang maubos ni mudra ang pinagpawisan ng kanyang anak na mula rin sa wala, sumikat at yumaman. Ang nanay na ito, galing din sa pagiging ordinary worker kaya sana ngayong nagtatamasa na siya, ‘wag namang lustayin ang pera nila ng kanyang pamilya.

    Bad influence kaya sa nanay ng aktres ang manager ng kanyang anak na lulong na lulong na rin daw sa casino?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here