Home Opinion Gawin na kung ano ang tama!

Gawin na kung ano ang tama!

723
0
SHARE

SALAMAT, pinirmahan din ni Pangulo
ang ‘national budget’ na di ka’gad nito
inaksyonan sanhi r’yan ng malisyoso
at kaduda-dudang idinagdag dito.

Kung saan disin ay tiyak na mabibimbin
ang badyet ng bawat isa r’yan sa ating
mga kagawaran at kawanihan din
kung di pa niya inaksyonan nitong Abril.

Na kung saan ay tiyakang mabibimbin
ang badyet ng bawat isa r’yan sa ating
mga kagawaran at kawanihan din,
kapag di kumilos ang Pangulo natin.

Gaya ng pangsuweldo sa iba pang sangay
ng pamahalaan ang tiyakang damay,
kapag ang akinse nila’t katapusan
na inaasahan di makuha ‘on time’.

Ganun din marahil ang mga ‘on going
project’ ni Pangulo na dapat tapusin
sa loob ng sabi ay lalong madaling
panahon, tiyakang pawang mabibitin.

Sa puntong ito ay kung anong marapat
at naaayon sa panuntunang batas
ang siyang ninais lang na maipatupad
ni Pangulong Digong para sa’ing lahat.

Kaya’t tama lang na itong isiningit
sa ‘yearly budget’ na idinagdag pilit
nitong sa kanya ay malakas ang kapit,
burahin na pati itong makukulit!

At kung ang solusyon ay kamay na bakal
upang ang tigasin mawala sa daan,
gawin na kung ano ang kinakailangan
para mawala ang lahat ng sagabal.

Kung saan pati na ang problema hinggil
sa bawal na droga ay kalin’sabay din
na madudurog kung itong lahat na rin
ng ahensyang bulok ay pagtatanggalin.

Maging ang Kongreso at itong Senado
ay kailangang paliguan din siguro
upang ang baho r’yan mabura ng husto
kapag tinuluyan ng ating Pangulo.

Kasama na pati ang ‘higher official
down to the grass roots’ din ay kinailangang
palitan muna at ‘appointees’ ang siyang
iupo sa puesto r’yan ng Malakanyang.

Sa ganyang paraan posibleng matukoy
kung alin ang higit na may positibong
pananaw para sa mga pagbabagong
nais ipairal ni Pangulong Digong.

Di katulad nitong ngayo’y nangyari,
na kung saan kahit ubod na ng buti
ang ginagawa ng ating Presidente
minamasama r’yan ng utak rebelde.

Partikular na r’yan ng mga senador
na kagaya nina Trillanes, Frank Drilon
at iba pang laging mga ‘anti’ Digong,
na gustong ibagsak ang administrasyon?

Na wala nang hindi pinuna’t pinintas
sa anumang nais niyang ipatupad,
kahit pa ma’t batay sa Saligang Batas
kinokontra nitong ibang mambabatas!

‘So what he has do is to pursue what’s right
As to his personal belief and that likewise
Is based on existing country’s republic act,
Which no one could abuse others dear human rights.

Iyan ang sa ganang ating pakiwari
ang makabubuti kaysa r’yan sa dati
na ang tanging gawa pataasan lagi
ang magkabila sa pagsirit ng ihi?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here