Gawa rin ng tao ang virus nito?

    711
    0
    SHARE
    Posible o hindi itong haka-haka
    Ng iba lalo ng mga matatanda
    Hinggil sa kung bakit haya’t maya-maya
    May bagong sakit na ibinabalita,

    At yan ay maaring kagagawan mismo
    Ng ilang ekspertong mga syentipiko,
    Na sila rin naman itong nag-imbento
    Sa virus ng sakit at pangontra rito;

    Ay di po malayong gawin nitong ilang
    Ganid at ika nga’y walang kabusugang
    Mga negosyanteng – di baleng pumatay
    Basta kumita lang sa negosyong tangan!

    Ya’y di naglalayo sa kung anong virus
    Na karaniwan na ring naipapasok
    Sa mga computers – at para ‘magamot’
    Internet providers di naman ang sagot;

    Alalaon baga, kung kanino galing
    Ang virus o sakit ay tila siya ring
    Gagawa kumbaga sa kailangan nating
    Gamot para lamang po tayo gumaling.

    Na talaga naman pong walang iniwan
    Sa computer virus kapag pumasok yan;
    Na napakadali nitong mahawaan
    Ang lahat ng ‘files’ mo kung di maagapan.

    Nakapagtataka itong sunud-sunod
    Na pagdatal nitong iba’t-ibang  virus
    Na galing diumano sa kung hayop,
    (Puera sa iba pa na wala pang gamot?)

    At iba’t-iba pang sakit na ngayon lang
    Lumitaw sa ating mga pamayanan
    Itong nagdulot sa atin ng pangambang
    Baka bukas tayo naman ang tamaan!

    Ultimong maliit na uring insekto
    Ay mapanganib na sa buhay ng tao;
    Gaya ng lamok na di dating perwisyo
    Kundi lang sa ating pagtulog po mismo;

    At kaya ka lamang posibleng tamaan
    Ng malaria ay kung ya’y sa kagubatan
    Tayo nakagat ng hindi lang miminsan
    Kundi ng maraming beses sa katawan.

    Pero ngayon gaya ng ating nasabi
    Ang lamok ay isa sa pinaka-grabe
    Sa karaniwan nang ngayo’y nangyayari
    Bunsod nitong virus ng sakit na denggue.

    Na di nga malayong mga syentipiko
    Ang may kakagawan ng virus po nito;
    At sila rin gaya nitong sa Mexico,
    Ng South America may gawa siguro.

    Anu’t-ano pa man dobleng pag-iingat
    Na lamang kabayan ang ating marapat
    Gawin sa puntong yan ngayong halos kalat
    Na sa buong mundo ang dulot na sindak!

    Na di na kakaunti ang naapektuhan
    Ng naturang sakit sa kasalukuyan;
    Bunsod lang marahil ng mga naunang
    Nasabi na natin hinggil sa paksang yan;

    Na yan ay posibleng gawa rin ng tao
    Upang kumita sa kanilang negosyo;
    Kung saan di baleng makapamersisyo
    Maging hari lang ng komersyo sa mundo!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here