Sa harap ng simbolong ito ng kabayanihan at katapangan ng mga sundalong Pilipino noong World War II, itinitik ng makukulay na Christmas lights ang pangalan ng bayan na “PILAR”.
Sa pasukan ng munisipyo, daraan sa tila balag ng gulay na hinubog mula sa mga Chrismas lights.
Sa magkabilang tabi ng “balag,” may isang belen at Santa Claus sa tabi ng napakaraming kahon ng regalo.
Sa palibot ng plaza, kapansin- pansin ang makukulay na poste.
Pinangunahan ni Mayor Alice Pizarro ang pagdiriwang.