Bukod dito, may entry din ang indie director na si Alvin Yapan, ang Ang Kubo sa Kawayanan.
Bale walong lahat ang gawang Pinoy at magkakaroon din ng re-run ang restored na Insiang ni Lino Brocka.
Ang highlight ng event ay ang Main Competition kung saan pitong foreign films ang maglalaban-laban.
Sa idinaos na press launch ng cinema event na in-organize ng Film Development Council of the Philippines in partnership with SM Cinemas at Philippine Daily Inquirer, naging bahagi ang directors at ilang artista ng kalahok na pelikula.
Ang foreign films na maglalabanlaban para sa iba’t ibang awards ay ang Filosofi Kopi ng Indonesia; Son of Mine ng Netherlands; The Territory ng Russia; Sonata fir Cello at Three Lies ng Spain; The End of Love ng Taiwan at Crimean (Kirimli) ng Turkey.
Kahapon ang premiere night ng movies hanggang sa June 27 sa SM Mall of Asia habang ang regular screening, pati na ng ibang pelikula, ay mula June 29 hanggang July 7 sa SM Cinemas.