Fiestang Kuliat 2011

    112
    0
    SHARE

    Nitong 23 ng Setyembre, pormal na
    Inilunsad ni Vice Mayor Vicky Vega
    Ang ‘yearly’ at ‘month long’ nilang pagselebra
    Sa Fiesta ng Kuliat na napakasaya.

    (In absence of the city illustrious Mayor
    Who at the time of the affair at Marquee Mall
    Was with Mayor Rodriguez on a out-of-town
    O.B. together with other City mayors)

    Pero katuwang ni Vice sa paglulunsad
    Ang ‘beauteous First Lady’ ng naturang siyudad,
    Mga Konsehales at ang ‘Chief of Staff;’
    Kasama ang ilang ‘city hall officials’

    At kung saan imbitado rin ang Media
    Upang maging ‘judges’ sa pagpili nila
    Ng magiging Ginoo’t Mutya kumbaga
    Ng Kuliat para sa napipintong Fiesta.

    (Kuliat noon ang kinikilalang tawag
    Sa bayang Angeles bago naging siyudad,
    Pero ngayon pati sa labas ng Pinas,
    Angeles city na – at di na nga Kuliat)

    Pinaka-‘highlight’ ng paglulunsad nitong
    “Fiestang Kuliat 2011,” itong
    Kay THIA MEGIA ‘Homecoming & Recognition,’ 
    Bilang Angeleña na nagbigay ‘honor’

    Sa naturang siyudad na sinilangan niya,
    Matapos mahirang yan sa Amerika
    Bilang finalist sa lubhang popular na,
    “American Idol Season 10;”at saka

    Bilang Pampangueña na karapat-dapat
    Ipagmalaki riyan, pati na ng lahat;
    Pagkat karangalan din ng Pilipinas
    Ang nakamit nitong korona sa labas.
     
    Partikular na nga ng naturang lungsod,
    Kung kaya naman ang lahat na ng angkop
    Na pagsalubong at pagkilalang lubos
    Kay Thia, marapat maipagkaloob

    Ng mga Kabalen bilang pagpupugay
    Sa di matawaran niyang pananagumpay
    Sa larangan ng pag-awit, at kung saan
    Nakilala ang kagalingan niyang taglay.

    Fiestang Kuliat 2011 Kick Off
    Ang ‘press launch’ na siyang lubos nagtatampok
    Sa mga Ginoo at Mutya ng lungsod,
    Na magko-‘compete’ ng kisig at alindog.

    Sa harapan ng ilang ‘member of the press,’
    Na siyang hinirang ng ‘city government’
    Upang ang magiging Mutya ng Angeles
    At Ginoo pati ‘that may best represent

    The city with the said search commencing this year,
    Would be selected from the young men and women
    Vying for what we may say coveted titles
    Be presented to the public and the Newsmen’.
      
    At kwenta ito ang kauna-unahang
    Paligsahan na ang mga maglalaban
    Para sa titulong ito ay hayagang          
    Ipinakilala sa harap ng bayan.

    (May karutong)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here