Home Headlines Extension ng school registration ikinatuwa

Extension ng school registration ikinatuwa

1213
0
SHARE

School principal Maria Chona Villegas (kanan) at Grade 6 schooteacher Marielle Louisa Rubiano. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Ikinatuwa ngayong Martes ng mga guro at magulang sa bayang ito ang ginawang extension hanggang ika-15 ng Hulyo, mula katapusan ng Hunyo, ng school registration ng Department of Education.

“Isang magandang paraan ito para mahikayat pa namin ang mga bata na mag-enroll. Sabi nga, dapat lahat ng mga bata ay nag-aaral para sa kanilang kinabukasan,” sabi ni Maria Chona Villegas, principal ng Calaguiman Elementary School.

Calaguiman Elementary School.

Maging ang mga guro at magulang sa nasabing paaralan ay welcome ang extension ng registration.

“Magandang na-extend ang enrollment para sa mga hindi pa nakakapag-enroll ay makahabol pa, sabi ni Marielle Louisa Rubiano, Grade 6 school teacher.

“Sana ang iba makahabol pa. Ang iba kasing enrollees ngayon, may mga transferees pa galing sa ibang private schools, So, definitely marami pang mga bata na hindi pa naka-enroll na dati nang estudyante dito, dagdag ng guro.

“Okay iyan na na-extend ang enrollment para ang ibang hindi pa nakakapag-enroll ay makapag-enroll pa sila, sabi ni Hilda Capuli, magulang.

Sinabi nina Villegas at Rubiano na meron na sila ngayong 381 na enrollees mula Kinder hanggang Grade 6 kumpara sa 403 noong nakaraang taon.

Isang problemang nakikita ni Villegas kung bakit atubili ang mga magulang sa pag-eenroll sa mga anak ay ang takot ng mga ito sa banta ng coronavirus disease.

“Sa mga magulang sana huwag tayong matakot sa banta ng pandemic at lagi tayong magdasal. Magtulungan tayo bilang kami dito sa paaralan ay lagi kaming handa para gabayan kayo, gabayan ang inyong mga anak, sabi ng principal.

“Sana huwag mawala sa atin ang pagtutulungan para sa ikabubuti ng inyong mga anak. Sabi nga kayo ngayong mga magulang ang bagong guro ng inyong mga anak sa panahon ng pandemic, dagdag pa ni Villegas.

Pinayuhan naman niya ang mga kapwa guro na magpatuloy lamang sa magagandang adhikain para sa mga mag-aaral.

“Kasi ‘Education for all’ tayo ngayon. Para sa mga magulang kahit na may pandemic huwag pa rin sanang mapabayaan ang pag-aaral ng mga bata, anyway, meron namang iba’t ibang pinapatupad ang DepEd, merong online, pwedeng modular, makakapili naman sila, sabi ng gurong si Rubiano.

Sinabi pa ni Rubiano na madalas nilang marinig sa mga magulang na natatakot sila na baka mamaya may asymptomatic na bata.

“Syempre mga bata hindi maiiwasan yan, kahit sabihin mong social distancing kapag bata malaro yan mawawala sa isip nila yan. Kapag gusto nila makipaglaro maya-maya andyan na yan magkakadikit na yan, sabi ni Rubiano.

Sinabi ni Capuli na mas gusto nilang mga magulang ang modular. “Modular po kasi kapag internet walang pangbayad na regular sa internet, eh.

“Sinasabi ko sa ibang magulang na i-enroll nila angkanilang mga anak dahil sayang ang pagkakataon at talagang makikiisa tayo sa mga guro, bilang magulang tayo talaga ang magtuturo sa mga anak natin, sabi ni Capuli.

Siya ay may mga anak na Grade 2, Grade 4, at Pre-Elem.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here