‘Ex-Gov’s chances to win very slim’

    353
    0
    SHARE

    SOBRA KAAGA pa para pag-usapan
    ang halalan, pero sa kadahilanang
    di pa man ay mayrun nang nagpaparamdam
    na tatakbo yan at ang balak labanan

    Sa pagka-city Dad ay ang Mayor ngayon
    ng Angeles, at kung saan ay Senador
    sa kasalukuyan itong may intesyon
    na sasabak sa susunod na eleksyon

    (Kay EdPam) pagsapit ng ‘year 2016’
    sakalit siya ay mag-reelect pa rin,
    Ngayon pa lamang ay masasabi nating
    baka sa kakungan niya ang pupulutin

    Ang inaakalang kasing dali noon
    ng kanyang pagtakbo diyan sa Capitol
    (Ng Pampanga) pagkat nang panahong iyon
    ay sikat pa siya bilang isang actor.

    At itinuturing na “Bida ng Masa”
    dahilan na rin sa katangian niya
    sa pangangabayo at paglambitin sa
    helicopter kaya’t hanga ang balana.

    At dahil na rin sa kanyang katanyagan,
    siya ay hindi rin lubhang nahirapan
    na maipanalo ang sariling laban
    nang kumandidato bilang Senador yan.

    Pero sa susunod, aywan lamang natin
    kung siya’y pamuli pang tatangkilikin,
    ng mga ‘fans’ niya at Kabalen natin
    matapos ang ilang mga matitinding

    Negatibong isyu na ipinupukol
    sa panahon ng kanyang administrasyon
    bilang ‘provincial Dad – na kung saan noon
    ay lubhang mababa ang ‘quarry collection’

    At ang hinala na baka ibinulsa
    lamang marahil ng administrasyon niya
    ang dapat ay pera ng ating probinsya,
    yan ay di malayong nangyari talaga;

    Pagkat nang maupo ang ‘priest-turned-governor’
    ay biglang lumaki ‘and it turns in millions
    of pesos’ ang naging arawang koleksyon,
    kumpara sa dating ‘monthly’ na yan noon.

    At lalong lumobo o biglang lumaki
    nang palitan si Among ni “Nanay Baby,”
    Kaya nga’t kung wala milagrong nangyari,
    Bakit naging ‘millions’ nitong bandang huli?

    Sabihin na nating walang kinalaman
    ang ating butihing ‘roaming politician,’
    Siya ay di ‘excuse’ sa kahit anumang
    Baho sa panahon ng panunungkulan.

    Kaya para siya ay muling tumakbo
    Para sa anumang posisyon, siguro
    Ya’y di na pupuedeng muling mananalo
    Partikular na sa tinatarget nito.

    Na tinitiyak kong dadaan sa butas
    ng karayom kapag siya ay nanganghas
    humabol upang ang ngayon ay city Dad
    nitong Angeles ay kanyang mapabagsak.

    Dala na nga nitong nasubukan na siya
    kung anong nagawa niya sa Pampanga;
    (Aywan lang nang siya ay mag-Senador na
    kung may naipasang batas kahit isa).

    Manapa, kung tayo itong tatanungin
    ay higit na maka-bubuti marahil,
    Sa bayan ng Porac na nito tangkaing
    humabol ‘as Mayor comes year 2016’!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here