Ayon kay Provincial Administrator Pearly Mendoza, layunin ng summit ang maipon ang suporta mula sa mga ahensiya ng gobyerno at maging mula sa mga pribadong sector, simbahan, mga paaralan, at non-government organization upang mapigil ang epekto ng pandaigdigang resesyon.
Sinabi pa ni Mendoza na ilalahad din sa summit ang resulta ng kanilang isinagawang pre-summit workshop noong Marso 17.
“Bahagi ito ng resiliency program ng pamahalaang panlalawigan at nag-imbita kami ng mga tagapagsalita mula sa National Economic Development Authority (NEDA), Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon naman DOLE-Bulacan at Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) ilan sa mga inimbitahang tagapagsalita ay sina Labor Undersecretary Lulu Trasmonte at dating Labor Undersecretary Susan Ople, ang pangulo ng Blas Ople Policy Center and Training Institute.
Kaugnay nito, patuloy namang nararamdaman sa Bulacan ang epekto ng pandaigdigang krisis sa kabila ng mga pahayag ng mga opisyal na hindi masyadong apektado ang lalawigan.
Batay sa tala ng DOLE-Bulacan, umabot na sa 1,128 ang apektadong manggagawa dahil sa krisis pang-ekonomiya kung saan ay 380 manggagawa ang nasisante, 411 ang nabawasan ng oras ng trabaho, at 286 naman ang pinabalik sa trabaho.
Ayon pa sa ulat ng DOLE, umabot sa 91 manggagawa ang sumailalim sa retrenchment o binayaran sa pagreretiro.
Ito ang ay mga maggagawa mula sa Republic Cement Corporation sa Bigte, Norzagaray (68), Vitarich Corporation sa Abangan Sur, Marilao (14), at Complex Project Electors Inc., sa Pio Cruzcosa, Calumpit (19).
Gayunpaman, tanging ang mga manggagawa pa lamang ng Republic Cement ang iniulat na tumanggap ng separation pay at iba pang benepisyo mula P40,000 hanggang P2,000,000.
Ayon kay Efren Reyes, ang hepe ng DOLE-Bulacan, nanatiling matatag ang ekonomiya ng Bulacan sa kabila ng krisis.
Nagpahayag din siya na hindi magtatagal ay huhupa rin ang krisis, ngunit hindi niya masabi kung hanggang kailan.
“We will survive, sanay ang mga Pilipino na mag-adjust sa sitwasyon at matiisisin tayo,” nai Reyes.
Ipinayo din niya na “kailangan ng bawat isa ang magtipid ng sabihin niya na iyang luho natin bawasan muna.”