Home Opinion ‘EdPaMore’

‘EdPaMore’

984
0
SHARE

ANG planong pagtakbo muli sa ‘1st District’
(ng Pampanga,) ni Yeng ‘as Representative,’
kung saan si EdPam ng lungsod Angeles
inihayag na niya ‘his congressional bid’.

Na napabalita kamakailan lamang
sa ‘print media’ at sa radio napakinggan,
‘This early,’ may mga iba’t-iba na r’yang
spekulasyon ang ating mamamayan.

Hinggil sa kung sino sa ‘family member’
ng mga dati na riyang naging ‘congressmen’
sa 1st District,’ gaya halimbawa ni Yeng
ang kay Mayor EdPam ang puedeng i-’compare?’

In terms of public trust and services rendered
Especially to the people of Angeles,
Where now sitting Mayor we used to call Cong Ed
Have had served the city for a span of nine years.

Di ko sinasabing tanging siya lamang
itong sa Angeles nagserbisyong tunay
at ng buong puso ring sa katungkulan
ginawa ang kanyang marapat gampanan.

Pero base na rin sa ‘ting obserbasyon
sa sino man kina Yeng, Nepo at Jonjon
na naging ‘1st District’ nating mga Solon,
si EdPam, may sapat na ‘qualifi cation’.

Pagkat abogado siya at maalam
sa wasto’t magaan na pamamaraan,
na maisulong ang batas na kailangan
para mapaunlad ang distritong tangan.

At kung paano rin niya mapaunlad
ang 1st District’ gaya ng naipatupad
niya sa Angeles, maisagawa rin tiyak
ni EdPam dahil sa taglay nitong sipag.

Kabilang sa mga mahalagang ‘project’
na unang binigyang pansin ni Mayor Ed,
isa r’yan ang Ospital ng Angeles
na ngayon ito ay ‘fully renovated’

At dahil na rin sa lubhang ‘resourceful’ siya
at marami ang ‘friends’ niya sa Amerika
naka- ‘solicit’ si Mayor sa kanila
ng modernong gamit na pang-medisina.

Gaya halimbawa ng ‘Renal Care Unit’
at di ko matukoy na iba pang gamit
para sa ospital upang sa maysakit
na ‘poorest of the poor’ makatulong higit.

Liban sa ‘Heritage District’ at iba pa
na lubhang sa siyudad napakahalaga,
nagpagawa rin ng sementeryo, saka
ipinaayos ang palengke’t kalsada.

Isa si EdPam sa mga ‘most awarded’
na ‘best city mayor’ sa buong daigdig,
at kilala bilang ‘incumbent president’
ng ‘League of City Mayors of the Philippines’.

Kaya masasabi din nating si Mayor,
maipagmamalaki ng ating ka-rehiyon
maging sa iba pang panig nitong mundong
ginagalawan ng ‘most important people’.

Tunay ngang si Mayor Edgardo Pamintuan
ay maasahan sa serbisyong pambayan,
kaya’t ang matapat na panunungkulan
ang pihong hagdan niya patungong Batasan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here