Ang irereto ng kampo ni Lazatin
Laban kay Pamintuan ‘comes year 2016
National & local election’ po natin
Sa pagka-Alkalde ng Angeles city;
Yan ngayon pa lang ay ating masasabi,
Na itong ‘actor-turned-senator’ di puede
Nilang maging asset sa nais mangyari
Ni dating Congressman Carmelo Lazatin
Na makuha nilang si EdPam talunin
Sa pagiging city Dad nitong nasabing
Lungsod kung si Lapid lang ang mamanukin
Pagkat maliban sa ika nga’y laos na
Bilang ‘public servant’ ang dating artista,
Diyan sa Angeles di ‘welcome’ lalo na
Ang di Angeleño (sa sukatan nila)
Na makahawak ng anumang posisyon
Partikular itong hindi ‘natural-born’
Sa naturang siyudad, dahil mula’t sapol
Ang kalakarang yan ‘practice’ pa rin ngayon.
Kaya anong tsansa ni Leon Guerrero,
Na mahalal siya bilang mayor dito,
Ngayong kahit siya pala’y rehistrado
Ngunit hindi taal siyang taga-rito;
Ay saan kukunin ang botong kailangan
Para ipanalo ang kanilang laban
Kung hindi rin naman siya ihahalal
Ng taga Angeles sa puntong naturan?
Tama at posibleng ihahalal siya
Ng mga ‘registered voters’ na tulad niya
Na dayuhan din sa Angeles, Pampanga
Pero gaano ang bilang n’yan kumbaga?
Kaya kung akala ni Senador Lapid
Ay may iba pang sa kanya tatangkilik
Na taga Angeles sa pagpupumilit
Niyang makisawsaw sa ‘local politics’
Ng nasabing lungsod maliban kay Tarzan,
Na di malayong kay Mayor Ed Pamintuan
Ay may tampo lang ang butihing Congressman,
Kaya naisip ang ganitong paraan
Na inaakalang pinakamabuting
Istratehiya upang kanyang pabagsakin
Si EdPam sa kanyang hawak na tungkulin,
Na di niya makayang ito ay higitin
‘During his terms of office as City Mayor,’
Kung kaya nga’t ang ‘non-performing Senator’
Ang itinutulak niyang ilaban ngayon
Kay EdPam? (na isang ‘World Class City Mayor’)
Kaya tama lang si Mayor Ed Pamintuan
Sa kanyang sinabi (na di pagyayabang,)
Na ‘Nobody’ pa raw sa kasalukuyan
Ang posibleng mabigat na makalaban;
Lalo pa’t ngayong ang ‘Nepomuceno clan’
Ay tila sa kampo na ni Ed Pamintuan
Makiling kumbaga sa kadahilanang
Sila ay wala nang ibang maasahan,
‘Comes year 2016’ kundi EdPam pa rin
Kahit sa ngayon ay ayaw pang magbitiw
Ng ‘closing remark’ si Mayor EdPam hinggil
Sa napipinto o eleksyong darating.
Pagkat aniya’y lubha pang napaka-aga
Para pag-usapan daw ang pulitika,
Kundi ang dapat ay magtrabaho muna;
(Na siyang nararapat gawin ng lahat na!)