EB Babe Lian malapit nang lumobo ang tiyan?

    399
    0
    SHARE
    Mayo pa lang ng taong ito, nagsasama na pala sa iisang bubong sina EB Babe Lian at Paolo Contis. Sa mga panahong din ito ‘pinalayas’ si Paolo ng kanyang ina sa kanilang sariling bahay. Nangungupahan ngayon si Paolo at namumuhay na kasama si EB Babe Lian. Although sinasabing padala-dalaw lang si Lian sa bahay ni Paolo upang ipagluto o kaya naman, ipaglinis ng bahay si Paolo, hindi na puwedeng pasabuliang silang dalawa na.

    Karugtong siyempre ng mga balitangito ay yung buntis nga raw si Lian. Misteryoso kasi ang pagkawala niya sa Eat Bulaga’t sinasabi namang kesyo naopehan daw siya kung kaya kinailangan nitong magpahinga.

    Ayon naman sa mga kasamahang EB Babes ni Lian, maselan daw talaga’ng kundisyon ni Lian kaya nga kinailangan nitong mag-leave mun sa trabaho upang magpagaling. Ang medyo ipinagtataka namin, hindi pare-pareho ang ibinibigay na detalye ng mga EB Babes tungkol sa tunay na sakit ni EB Babe Lian.

    Deny-to-death si Paolo but the rumor lingers on. Hindi pa rin tumitigil ito at isang araw, baka nga kailangan nang umamin ng dalawa na talagang buntis nga si babae.

    By now, kung buntis si Lian, medyo malaki na ang tiyan nito at malapit nang malantad sa  publiko.

    If and when this time comes, kakainin ni Paolo ang sumpa niyang hindi buntis ang kanyang girlfriend.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here