Dyowa ng pulitiko may anak na?

    352
    0
    SHARE
    Bulung-bulungan sa loob ng mga political circles ‘yung pagkakaroon na pala ng anak ng dalagang sinasabing syota ng isang sikat na pulitiko. Marami na kasi ang kinilig nang makilala ng publiko ang identity ng babaing nililiyag ng pulitikong sinasabi namin. Bagay na bagay raw silang dalawa pero ngayon ay tipong lumalabas na ang mga itinatagong kalansay ng mahiwagang babaing ito.

    Kasama rin sa tsismis na bago pala si pulitiko, naging syota rin ito ng isa pang pulitiko ang babaing sinasabi namin.

    Ewan lang kung sa mga darating na araw ay pabubulaanan o kaya naman ay ide-deny ang tsismaks na ito.

    “Maniwala ka,”sabi ng source namin, “may anak na siya, kaya pala inaayawan siya ng pamilya ng lalaki,”sabi ng nakausap namin.

    Pero teka, true nga kaya ito? Hindi kaya makasira ito sa ambisyong pulitikal ng lalaking mabango pa naman sa publiko?

    At teka rin, ano naman ang karapatan ng hilaw na hipag ng babae na manlait na kesyo may anak na siya sa pagkadalga gayung pareho lang naman silang nakapangitlog na bago nagpadonselya.

    Ha! Ha! Ha!

    Hindi naman kaya dulo ng istoryang ito ay ang pagkawala sa eksena ni babae dahil nga makadudungis lang ito sa pagkato ng pulitiko na nililiyag ngayon ng sambayanan?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here