BALANGA CITY, Bataan – Dumagundong noong Linggo ang higanteng Bataan People’s Center (BPC) sa lakas ng palakpakan at hiyawan ng libo-libong tao bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao.
Mahigit anim na libong manonood, na kinabibilangan ng bata at matanda, babae at lalaki, ang pumuno sa maluwang na sports complex malapit sa Bataan Capitol sa Balanga City. Wala pang alas-8 ng umaga ay marami nang pumila upang saksihan ang makasaysayang labanan nina Pacquiao at ng Puerto Rican na si Miguel Cotto.
Libre ang panonood ng live telecast at hindi man lamang kinamalasan ng pagkainip ang mga tao sa paghihintay sa main event. May libreng meryenda rin. Ito’y sa kagandahang-loob ni Gov. Enrique Garcia at mga anak nitong sina Congressman Abet at Balanga City Mayor Joet. Hindi sila nakadalo.
Ang mga tao’y tumatahimik, ang iba’y waring nag-iisip, nakanganga kapag medyo tinatamaan ang kanilang idolo. Subalit sa sandaling nakapuntos si Pacquiao, ang mga manonood ay naglulundagan, nagpapalakpakan, sumsuntok at maririnig ang sabay-sabay nilang sigaw.
Nagmistulang pandemonium nang bumagsak si Cotto sa 3rd at 4th rounds at nang pahintuin ang laban ng referee sa 12th round. “Dapat bumagsak si Cotto sa 4th round pa lang pero ayos lang kahit umabot ng 12th round,” sabi ng isang matandang lalaking palabas ng sports center.
“OK, maganda ang laban,” sabi ng isang may katamtamang gulang na babae.
Libre rin ang panonood ng live telecast sa Dinalupihan civic Center na naglululan ng mahigit 2,000 tao ganoon din sa mga bayan ng Orani at Samal. Sponsor nina Congresswoman Herminia Roman, Limay Mayor Nelson David at Dinalupihan Mayor Joel Payumo ang free live viewing sa civic center.
May pay per view naman sa isang sinehan at kainan sa Balanga na ang bayad ay P180 at P300 bawat tao na libre ang meryenda.