Kung pati marapat magdugtong ng buhay
Ng kapwa tao ay maging mamamatay,
Dahilan lamang sa isang simpleng bagay
Na katulad nitong sanhi lang ng ingay
Ay nagawa ni Dr. Romeo Taruc
Itong para lang siyang bumaril ng manok
Sa diumano’y kapitbahay mismo ni Doc,
Di ba’t kakatwa sa isang manggagamot?
Pagkat taliwas sa banal na tungkulin
Ng isang doktor ang ganitong gawain;
Pagkat di pumatay, kundi magpagaling
Ng sakit ng tao ang dapat isipin.
O isalba sa bingit na kamatayan
Ang mga biktima ng kapahamakan,
Gaya nitong muntik na niyang mapatay
Sa pamamaril ang kanyang kapitbahay.
Kaya kung bunsod lang ng pagka-irita
Ni Doc sa ingay ng mga kumakanta
At nag-iinumang kapitbahay niya,
Ay nagawa n’yan ang akusasayon nila
Ya’y nagdudumilat na katotohanang
Bagama’t si Taruc ay kinikilalang
Mataas na tao sa ating lipunan
Ay di pa hinog sa magandang ugnayan.
Kasi, kung si Doc ay may pakikisama
Sa kanilang lugar o kapitbahay niya,
Palagay natin ay pakikinggan siya
Na hinaan n’yan ang videoke po nila.
Lalo’t batid nilang siya’y naging konsehal
Ng Angeles city, at tunay di namang
Honorableng tao at kagalang-galang
Sa mata ng lahat ang ginagalawan.
(O baka nahawa na rin si Doc Romy
Sa nakararaming mga “trigger-happy,”
Gaya ni Ivler at Ampatuan pati;
Kung di man ang kanya ay di kasing grabe?)
Pero kung di naging marahas siguro
Si Dr. Taruc sa ginawa po nito,
Yan ay di aabot sa ganitong punto
Na ikasisira ng pangalan mismo.
Na kagaya nga niyan… na tila una pang
“Nalasing” si Taruc sa nag-iinuman,
Kung saan posibleng nagtalo muna yan
Bago humantong sa pamamaril po niyan.
Kay Jason Gomez at sa bisita nito,
Habang nagsasaya lang ang mga ito;
Na muntik nang ikamatay nitong tao
Kung di naagapan ang pagsalba rito.
Ng mga doktor na kabaro ni Taruc
Sa isang ospital sa kanilang lungsod;
At ngayo’y problema ang pagpapagamot
Kay Jason, ng ama ang malaking gastos.
Na kung saan itong kawawang biktima
Ng pamamaril niya’y nasa ospital pa;
Pagkat hanggang ngayon ay di pa rin sila
Bayad sa malaking bill ng anak nila.
At ang masakit ay parang bale wala
Kay Dr. Taruc ang nagawang pinsala,
Pagkat ayon na rin sa bali-balita
Si Doc ay hindi pa nagpakita yata.
Sa otoridad o sa magulang pati
Ng biktima sa naturang insidente
Upang panagutan nito ang nangyari
Nang naa-ayon sa batas sa ‘ting korte!
Ng kapwa tao ay maging mamamatay,
Dahilan lamang sa isang simpleng bagay
Na katulad nitong sanhi lang ng ingay
Ay nagawa ni Dr. Romeo Taruc
Itong para lang siyang bumaril ng manok
Sa diumano’y kapitbahay mismo ni Doc,
Di ba’t kakatwa sa isang manggagamot?
Pagkat taliwas sa banal na tungkulin
Ng isang doktor ang ganitong gawain;
Pagkat di pumatay, kundi magpagaling
Ng sakit ng tao ang dapat isipin.
O isalba sa bingit na kamatayan
Ang mga biktima ng kapahamakan,
Gaya nitong muntik na niyang mapatay
Sa pamamaril ang kanyang kapitbahay.
Kaya kung bunsod lang ng pagka-irita
Ni Doc sa ingay ng mga kumakanta
At nag-iinumang kapitbahay niya,
Ay nagawa n’yan ang akusasayon nila
Ya’y nagdudumilat na katotohanang
Bagama’t si Taruc ay kinikilalang
Mataas na tao sa ating lipunan
Ay di pa hinog sa magandang ugnayan.
Kasi, kung si Doc ay may pakikisama
Sa kanilang lugar o kapitbahay niya,
Palagay natin ay pakikinggan siya
Na hinaan n’yan ang videoke po nila.
Lalo’t batid nilang siya’y naging konsehal
Ng Angeles city, at tunay di namang
Honorableng tao at kagalang-galang
Sa mata ng lahat ang ginagalawan.
(O baka nahawa na rin si Doc Romy
Sa nakararaming mga “trigger-happy,”
Gaya ni Ivler at Ampatuan pati;
Kung di man ang kanya ay di kasing grabe?)
Pero kung di naging marahas siguro
Si Dr. Taruc sa ginawa po nito,
Yan ay di aabot sa ganitong punto
Na ikasisira ng pangalan mismo.
Na kagaya nga niyan… na tila una pang
“Nalasing” si Taruc sa nag-iinuman,
Kung saan posibleng nagtalo muna yan
Bago humantong sa pamamaril po niyan.
Kay Jason Gomez at sa bisita nito,
Habang nagsasaya lang ang mga ito;
Na muntik nang ikamatay nitong tao
Kung di naagapan ang pagsalba rito.
Ng mga doktor na kabaro ni Taruc
Sa isang ospital sa kanilang lungsod;
At ngayo’y problema ang pagpapagamot
Kay Jason, ng ama ang malaking gastos.
Na kung saan itong kawawang biktima
Ng pamamaril niya’y nasa ospital pa;
Pagkat hanggang ngayon ay di pa rin sila
Bayad sa malaking bill ng anak nila.
At ang masakit ay parang bale wala
Kay Dr. Taruc ang nagawang pinsala,
Pagkat ayon na rin sa bali-balita
Si Doc ay hindi pa nagpakita yata.
Sa otoridad o sa magulang pati
Ng biktima sa naturang insidente
Upang panagutan nito ang nangyari
Nang naa-ayon sa batas sa ‘ting korte!