Ayon kay Norma Supan, mahigpit nilang pinatutupad ang nasabing proseso ng 24 oras mula nang pumutok ang bird flu outbreak sa San Luis.
Ayon naman kay Jenny Agcanas, bukod sa mahigpit na pagsunod sa bio-security ng mga poultry at mga egg hatcher sila din ay nagsasaksak ng mga bakuna sa mga alaga nilang layer na manok nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakasakit ng mga manok.
Pinapanatili din aniyang malinis ang kapaligiran kung saan nila nagsasagawa ng quality control para sa mga ibebentang itlog.
Aminado silang naapektuhan ang kanilang hanapbuhay at 30 porsiyento na bumaba ang kita sa kabila ng hindi naman sila kasama sa quarantine area.