Home Headlines Diocesan Shrine of St. John Paul II pinasinayaan sa Bataan

Diocesan Shrine of St. John Paul II pinasinayaan sa Bataan

917
0
SHARE

Si Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown kasama ang mga obispo ng mga kalapit na diyosesis ng Batan at mga opisyal ng Bataan sa pangunguna ni Gov. Albert Garcia sa harap ng altar ng St. John Paul II Diocesan Shrine. Contributed photo



HERMOSA, Bataan
Isang bago at magandang simbahan sa bayang ito ang inialay nitong Linggo kay St. Pope John Paul II na bumisita sa lalawigan 40 taon na ang nakakaraan.

Matatagpuan ang simbahan na pinangalanang St. John Paul II Diocesan Shrine sa tabi ng Roman Highway sa Barangay Culis.

Mismong ang Apostolic Nuncio to the Philippines na si Archbishop Charles John Brown ang nanguna sa Banal na Misa at consecration ng shrine.

Tinulungan ang kinatawan sa Pilipinas ng Papa sa Roma nina Bataan Bishop Ruperto Santos at mga obispo mula sa Iba, Zambales at Tarlac, Hermosa parish priest Fr. Tony Quintos at ibang mga pari sa lalawigan.

“Mapalad ang ating bayan at mismong ang papal nuncio pa ang nanguna sa Banal na Misa at natayo dito ang magandang shrine ni Pope John Paul II,” sabi ni Hermosa Mayor Antonio Joseph “Jopet” Inton.

Si Hermosa Mayor Antonio Joseph Inton at kabiyak na si Anne kasama ang papal nuncio. Contributed photo

Dumalo rin sa consecration sina Gov. Albert Garcia, 2nd District Rep. Jose Enrique Garcia III, Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, Orion Mayor Antonio Raymundo at iba pa.

“Pinaalalahan tayo ng papal nuncio na ang puso at kaluluwa ng bawat isa ang pinakamagandang templo na tinitirhan ng Panginoon bukod sa isang simbahan. Panatilihin natin itong malinis mula sa kasalanan at maging bukas sa pagtulong sa kapwa,” sabi ni Congressman Garcia, isang papal awardee.

Ang yumaong Papa ay bumisita sa noo’y Philippine Refugee Processing Center sa Morong, Bataan at nagdaos ng Banal na Misa noong ika-21 ng Pebrero, 1981 para sa libo-libong Indo-Chinese refugees na tumakas sa kanilang bansa at pansamantalang nanirahan sa PRPC.

Isang shrine ni Pope John Paul II ang itinayo rin sa dating PRPC na ngayo’y isang technology park.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here