Home Headlines DILG NE bumuo ng Multi-Sectoral Advisory Committee

DILG NE bumuo ng Multi-Sectoral Advisory Committee

448
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbuo ng Multi-Sectoral Advisory Committee (MSAC) sa Nueva Ecija.

Hangad ng pagtataguyod ng MSAC na lalong mapaunlad ang lokal na pamamahala mula sa mga barangay, munisipyo, siyudad, probinsiya hanggang sa nasyonal gayundin ay itaguyod ang kultura ng pagbabahagi ng kaalaman at pagkatuto.

Ayon kay DILG Provincial Director Ofelio Tactac Jr., ang bawat ahensya o tanggapan ay mayroong kani-kaniyang kahusayan at kadalubhasaan na hangad mapagsama-sama upang makatulong sa mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga miyembro ng MSAC na pormal nang lumagda sa kasunduan ay ang Outreach Philippines Inc., Nueva Ecija University of Science and Technology, 84th Infantry Battalion, Philippine Statistics Authority, Department of Trade and Industry, at Philippine Information Agency.

Tinalakay mismo ni Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ofelio Tactac Jr. ang kahalagahan ng pagbuo ng Multi-Sectoral Advisory Committee kasabay ang pagpapakilala ng Sub-Local Governance Regional Resource Center Nueva Ecija “Uhay” na layuning makapagtaguyod ng isang knowledge-centric facility upang makatulong sa promosyon ng epektibong pamamahala. (Camille C. Nagaño/PIA 3)

Kasabay ng pagbuo ng komite ay ang pagpapakilala ng Sub-Local Governance Regional Resource Center (Sub-LGRRC) Nueva Ecija “Uhay” na layuning makapagtaguyod ng isang knowledge-centric na pasilidad upang makatulong sa promosyon ng epektibong pamamahala.

Isa sa mga tinututukang programa ngayon ng DILG Sub-LGRRC Nueva Ecija ay ang IEPPAL o Integrasyon ng Emergency Protocol ng Pribadong Establisyimento at ng mga Lokal na Pamahalaan na nakatutok sa mga dapat na paghahanda sa kalamidad partikular ang lindol.

Nakapaloob rito ang mga rekomendasyon o dapat na kahandaan ng barangay, munisipyo o siyudad mula sa pagtatalaga ng mga tauhan na mangangasiwa sa emergency response, operations center, information and assistance desk, medical and social services, logistics team, peace and order team hanggang sa mga kailangang kasanayan sa pagtupad ng mga nakalapoob na gampanin.

Samantala, bago natapos ang programa ay nagpahayag ng pagsuporta ang mga miyembro ng MSAC kasama ang mga kinatawan ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan at Liga ng mga Barangay nito hinggil sa pagsusulong ng Sub-LGRRC Nueva Ecija Uhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, pagkatuto at karanasan gayundin ay pagpapatupad ng mabubuting pamamaraan ng pamamahala. (CLJD/CCN-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here