Dilemma ni De Lima?

    276
    0
    SHARE
    SA WAKAS, natapos din ang katarayan
    nitong dating Kalihim ng Katarungan,
    na naging Senador at tumayo bilang
    Chair of Senate Justice Committee kailan lang

    Kung saan ang una at bale fi rst hearing
    na dininig sa committee ay ang hinggil
    sa pagtestigo ng isang bukod tanging
    witness na kalap lang ni Madam marahil

    Upang idiin si Pangulong Duterte
    Sa ‘extra judicial killings’ na nangyari
    Bago pa man ito naging Presidente,
    (O nang siya pa ang Mayor ng Davao City)

    Kaya lang sanhi ng animo’y nilubid
    na buhangin lang sa naturang pagdinig
    ang kusang loob na ikinantang pilit,
    lumabas tuloy na sintunadong awit.

    Dala na rin nitong ang kanyang testigo
    ay halatang hindi nagsasabi ito
    ng totoo kundi nang pawang imbento
    para lang siraan yata ang Pangulo.

    At mapaniwala n’yan ang taongbayan
    na si Duterte ay likas na kriminal?
    Kaya anhin na lang marahil ni Madam
    sa katungkulan ng isa’y ipatanggal!

    Ngayong ang situasyon nagkontra-barata
    laban sa mahangin nating Senadora,
    (Sa sabing colloquial ‘patay kang bata ka,’
    pagkat siya itong magkakaproblema).

    Sa kadahilanang imbes si Duterte
    ang napatalsik niya bilang Presidente,
    Siya ang pinalayas sa Senate Committee
    on Justice bilang Chair sa madaling sabi.

    At di basta simpleng kaso ang kailangang
    sagutin nito sa Senate o Ombudsman
    sakalit ang kasong kinakaharap n’yan
    ay ma-elevate sa marapat paglagyan.

    Di ba’t kahihiyan na napakalaki
    para sa ‘ting dating Justice Secretary
    ang masampahan ng ganito katindi
    at kagrabeng kaso na kriminal pati?

    Gayong si De Lima kung paka-isipin
    ang unang marapat sa ganyang tumingin
    bilang case offi cer, fi scal at pagiging
    mambabatas pa manding maituturing.

    Sana di mangyaring gayahin ng bigla
    ni LDL itong AFP Chief (yata,)
    na nagbaril sa sarili n’yan ng kusa
    nang wala ng mukhang iharap sa madla.

    At hindi matanggap sa kanyang sarili
    ang pagkapahiya niya ng matindi,
    na di na makayang sarilinin pati
    ang situasyong labis na ipinagsisi.

    Pero aywan lang kung makayang gayahin
    ng nakararami sa gobyerno natin
    itong sa sarili nila ay magbaril,
    sakali’t masangkot sa ganyang gawain.

    Kaya kayong mga walang kabusugan
    sa gawang di patas at makatarungan,
    Maglubay na kayo’t ihintong lubusan
    ang anumang bisyong di dapat tularan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here