Sana, halimbawang “45 days” lang dapat
Ang “campaign period” para sa lahat-lahat
Na ng ating mga lokal na opisyals,
Yan ang kailangan po nating ipatupad.
At tiyakin nating wala ni sinumang
Kandidato r’yan o lider nila bilang
Ang lalabag sa anumang patakaran
Na nasasaad sa batas ng halalan.
O hayaan nating ang “specific” na
Bilang ng araw na puedeng pangampanya,
Ay isagawa n’yan nang sobra kaaga
Kaysa itinakda para sa kanila.
At ganun din dapat sa “national level”
Mula sa Pangulo “down to the Congressmen,”
Kung ang “prescribed period” ay mula December
Ay huag hayaang ya’y gawin ng November.
(Na kagaya nitong September pa lamang
Ay nag-iikot na sa mga lansangan,
At walang iniwan sa talagang aktual
Na pangangampanya ang ginagawa r’yan.
Ng ilang di pa man ay samut-sari na
Itong ginagawa nilang pag-ratsada;
Na maituturing ng pangangampanya
Ayon sa estilo n’yan ng propaganda!)
Kasi nga ay wala naman sa probisyon
Ng naturang Omnibus Code sa eleksyon,
Na bawal sa sino pa mang may intensyong
Kumandidato ang gumawa ng ganun.
Kaya hangga’t patuloy na umi-iral
Ang sobrang luwag sa bagay na naturan,
Kailanman ay wala tayong maasahang
Pagbabago sa ‘ting klase ng halalan;
Na kung saan ang unang dapat baguhin
O amyendahan ay isa na marahil,
Itong kapag ang kandidato’y may “pending”
Na kaso ay di na dapat pang tanggapin;
Na makapag-“file” ng C.O.C. po nila
Hangga’t ang kaso n’yan di pa naresolba;
Pagkat mahalal man anong gagawin niya
Kundi humimas lang ng rehas sa selda?
(Gaya ni Trillanes, na nasayang lamang
Ang panahong dapat sa iba na-atang;
Kung di hinayaang kumandidato yan
Ng Comelec gayong ya’y nasa kulungan.
Ganun din naman ang kasong ka’lintulad
Nitong sa Sasmuan, kung saan si Mozart
Itong naging Mayor kung umakto agad
Sa petisyon niya ang Comelec en banc.
O kaya di na lang sana pinayagang
Makapag-file ito ng C.O.C. po n’yan,
Hangga’t ang “period of stay” sa Sasmuan
Ni sir Velasco ay pinagdududaan.)
Ang solusyon naman sa “premature campaign”
Upang ito ay tuluyan nang mapigil,
Wala ng pinaka-mainam marahil
Kundi malapatan ng mahigpit na “bill;”
Na nagkakansela sa kandidatura
O di pagtanggap sa pagpa-file kumbaga
Ng kanyang C.O.C, kahit ginawa niya
Ang paglabag bago ang takdang kampanya!
Ang “campaign period” para sa lahat-lahat
Na ng ating mga lokal na opisyals,
Yan ang kailangan po nating ipatupad.
At tiyakin nating wala ni sinumang
Kandidato r’yan o lider nila bilang
Ang lalabag sa anumang patakaran
Na nasasaad sa batas ng halalan.
O hayaan nating ang “specific” na
Bilang ng araw na puedeng pangampanya,
Ay isagawa n’yan nang sobra kaaga
Kaysa itinakda para sa kanila.
At ganun din dapat sa “national level”
Mula sa Pangulo “down to the Congressmen,”
Kung ang “prescribed period” ay mula December
Ay huag hayaang ya’y gawin ng November.
(Na kagaya nitong September pa lamang
Ay nag-iikot na sa mga lansangan,
At walang iniwan sa talagang aktual
Na pangangampanya ang ginagawa r’yan.
Ng ilang di pa man ay samut-sari na
Itong ginagawa nilang pag-ratsada;
Na maituturing ng pangangampanya
Ayon sa estilo n’yan ng propaganda!)
Kasi nga ay wala naman sa probisyon
Ng naturang Omnibus Code sa eleksyon,
Na bawal sa sino pa mang may intensyong
Kumandidato ang gumawa ng ganun.
Kaya hangga’t patuloy na umi-iral
Ang sobrang luwag sa bagay na naturan,
Kailanman ay wala tayong maasahang
Pagbabago sa ‘ting klase ng halalan;
Na kung saan ang unang dapat baguhin
O amyendahan ay isa na marahil,
Itong kapag ang kandidato’y may “pending”
Na kaso ay di na dapat pang tanggapin;
Na makapag-“file” ng C.O.C. po nila
Hangga’t ang kaso n’yan di pa naresolba;
Pagkat mahalal man anong gagawin niya
Kundi humimas lang ng rehas sa selda?
(Gaya ni Trillanes, na nasayang lamang
Ang panahong dapat sa iba na-atang;
Kung di hinayaang kumandidato yan
Ng Comelec gayong ya’y nasa kulungan.
Ganun din naman ang kasong ka’lintulad
Nitong sa Sasmuan, kung saan si Mozart
Itong naging Mayor kung umakto agad
Sa petisyon niya ang Comelec en banc.
O kaya di na lang sana pinayagang
Makapag-file ito ng C.O.C. po n’yan,
Hangga’t ang “period of stay” sa Sasmuan
Ni sir Velasco ay pinagdududaan.)
Ang solusyon naman sa “premature campaign”
Upang ito ay tuluyan nang mapigil,
Wala ng pinaka-mainam marahil
Kundi malapatan ng mahigpit na “bill;”
Na nagkakansela sa kandidatura
O di pagtanggap sa pagpa-file kumbaga
Ng kanyang C.O.C, kahit ginawa niya
Ang paglabag bago ang takdang kampanya!