Desperado na nga kaya si Mar Roxas?

    516
    0
    SHARE

    IPAGPATAWAD ni Vice President Roxas
    kay ‘yours truly’ kung sa ating isusulat
    Na ‘views & opinions’ hinggil sa pahayag
    Niyang ang Pangulo ay mabigyan dapat

    Ng isa pang ‘term of offi ce’ sa Palasyo
    upang tapusin ang nasimulan nito
    na napakaganda raw na pagbabago?
    Yan sa ganang amin ay hindi totoo.

    Sapagkat kung tayo itong tatanungin,
    ni isang araw lang ay ayaw na nating
    bigyan ng ‘extension’ sa kanyang tungkulin
    ang pangulo dala ng taglay niyang galing

    At labag sa batas ang hirit ni Roxas,
    dahilan na rin sa ‘six years’ lamang dapat
    maupo nang walang palugit ni oras
    ang sinuman kahit ibigin ng lahat.

    Ito pa bang tulad niyang pati Supreme Court
    ay direktang gustong hawakan sa buntot
    ang nais hihingi ni Vice ng pahintulot
    para makahabol muli pagkatapos

    Ng ‘terms of offi ce’ nyan ‘comes June 2016’
    sa dating puesto niya bilang Pangulo rin,
    gayong hindi naman din lingid sa atin
    ang kapalpakan niya sa kanyang tungkulin?

    Anong pumasok sa utak ni Kuya Mar
    at naisip nito ang diskarteng ganyan,
    na maliban pa sa ‘unconstitutional’
    ay kabaligtaran ng “Tuwid na Daan?”

    At para magawa ang naturang bagay
    ay ‘charter change’ dapat at/o amyendahan,
    ang saligang batas na sila rin naman
    ang gumawa at yan ay gustong palitan?

    Ngayong hawak nila ang nakararami
    sa Congress at Senate na pawang matindi;
    (At nagtulak upang mapatalsik pati
    si dating Chief Justice Corona sa SC?)

    Pero di ba’t si Mar ang “standard-bearer”
    dapat ng Liberal sa pagka-President
    pagbaba ni PNoy – ano’t ngayon si Sir
    ay tila gusto na niyang i-surrender

    Ang ambisyon niya na maging Pangulo
    kapalit ni Benigno Simeon Aquino,
    kung kaya nga’t imbes ang sarili mismo
    ang ilakad para makapalit nito

    Ay kung ano nga ang bigla niyang naisip
    na isulong gayong ang talagang nais
    ni Mar Roxas noong una’y makapanhik
    sa Palasyo bilang ‘The Chief Executive’

    Aywan lamang baka napagkuro-kuro
    ni Mar sa sarili na siya’y mabibigo
    sa ambisyon kaya naisip isuko
    ang hangarin niyang ganap na napako.

    Dala ng pangambang wala siyang panalo
    ngayong ang ‘ratings’ niya’y bumaba ng husto,
    kung saan ika nga kahit na siguro
    pambarangay lang ay tiyak matatalo?

    Kung kaya nga imbes ang dating ambisyon
    na maging Pangulo ang kanyang isulong
    ay si PNoy itong nais niyang isubong
    sa mali at labag sa’ting Konstitusyon?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here