Derek Ramsey, Angelica Panganiban magha-honeymoon ng isang buwan sa ibang bansa

    329
    0
    SHARE
    Excited si Angelica Panganiban sa pano ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsey na isasama siya nito sa isang buwang baksyon sa ibang bansa. Manonood daw sila ng soccer World Cup at one or two months din silang mawawala.

    Excited na rin si Derek tungkol dito at isang taon na nga raw nila itong pinagpaplanuhan.

    “World Cup sa 2010. South Africa kami. Ah, we’re planning to stay there for more than a month. We’re planning to work there. Ah, ayaw naming magdala ng maraming masyadong pera. Gusto namin doon kami magtatrabaho para ’yun ang gagastusin namin doon,” say pa ni Derek.

    “Puwede mo namang gawing pumasok ka sa magandang hotel. Pero ang gusto namin, gawin talaga naming adventure. Kasi marami kami, eh. Mga 15 kami. So, if we work on a farm or something…

    “It’s a part, actually, of my culture being English. After college, we go to other country, work there and experience living there. At gusto kong ma-experience ’yon ni Angel. I think it will be a lot of fun na 15 kami, you know, nag-aalaga kami ng mga hayop sa Africa,” dagdag pa ni Derek.

    Ayon pa sa aktor, first time rin daw niyang makakapanood ng World Cup nang soccer live.

    “Once-in-a lifetime chance talaga ito. It’s my dream to be a soccer player. I also feel na it’s England ’s time to win.

    “Next month pa lang sila mag-o-open ng ticket to sell, for flights there. Nag-bid na kami roon sa tickets for the game. Ang hirap na proseso. Sobrang hirap. Plano nga namin, magka-camp out kami sa stadium. Magkukuha kami ng signs, gagawa kami ng gimik para makabili kami ng tickets. It’s really difficult to get tickets there.”

    May nagbiro kay Derek na baka naman binabalak na nilang magpakasal doon ni Angel kaya ganu’n na lang siya ka-excited at ’kaaliw ang sagot ng aktor na hindi ’yun Las Vegas.

    “I know I want to do something different. Pero huwag naman sa ano, gusto ko, sarili kong lupa. Dito ko gagawin kung saan ang pamilya ko,” pagtatapos niya.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here