Home Opinion ‘Dead on Arrival’

‘Dead on Arrival’

67
0
SHARE

ITONG panukala r’yan ng isang Solon
na dapat umano ay dalawang taon
ang probationary period sa empleyadong
newly hired di kaya estilong paurong?

At unfair labor law na maituturing
ang iminungkahi na sa ganang ating
sariling pananaw ito’y may bahid din
ng pagka-inutil kung pakasuriin.

Maliban sa itong nasabing proposal
ay tunay din namang grabeng panalamang
para sa panig ng paggawa, kabayan
pagkat malinaw na may kinikilingan.

Saang panig nitong mundo may ganitong
Ang kalakaran n’yan ay dalawang taon
para sa newly hired bago magpatuloy,
kundi sa bansa lang ng tanga at gunggong?

Kaya nga’t kumbaga sa isang dadalhin
(sa ospital) ‘dead on arrival’ itong Bill
na nais ilusot ng mapagmagaling ,
nang ni di nabigyan ng kahit kaunting pansin.

Pagkat ayon na rin kay senador Drilon,
na siyang Senate Minority Leader ngayon,
at ng iba pa r’yang hindi rin sangayon
sa panukala ay grave abuse sa labor?

Pasintabi r’yan sa sinumang nag-proposed
ng bill na paurong at anti labor force,
A month to 3 months probationary period
Is enough for anybody to prove his worth!

Mahaba ang two years para sa sinuman
na mapagtanto kung kualipikado ‘yan,
sapagkat sa loob lang ng isang buwan
masusubok na ang kanyang kakayahan.

Kaya para gawing two years ang probation
ng kagaya halimbawa r’yan ng mason,
paghawak pa lang sa shovel, mapagtantong
ang isang laborer may taglay na dunong.

At ang alin pa mang klase ng trabaho,
pang-white collar job man o ng para sa blue
collar kung tawagin sa panahong ito,
madaling malaman ang kualipikado.

Ang dami r’yang bill na marapat isulong
at tunay naman ding ya’y napapanahon,
bakit ang hinggil pa r’yan sa anti labor
na klase ng isyu ang gustong isulong?

Self vested interest itong malinaw na
ating sa taong ‘yan ngayon nakikita
kundi man ng dahil apektado siya,
pagkat pro-rich ang tunay na adbokasya.

Malay natin baka itong Solon mismo
na nagpanukala r’yan ng bill na ito,
kapitalista ring gaya nina Lucio,
MVP, Villar at mayayamang tao.

Pag-antala sa employment ng sinuman,
kawalan ng security of tenure n’yan;
kaya tama lang na ang ganyang proposal
ay naiproklamang ya’y ‘Dead on Arrival’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here