Home Headlines De Vega inihatid na sa huling hantungan

De Vega inihatid na sa huling hantungan

228
0
SHARE
Ang libing ni Lydia de Vega-Mercado sa Meycauyan Bulacan. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MEYCAUYAN –– Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang
tinaguriang Asia’s Fastest Woman na si Lydia De Vega-Mercado sa Pandayan
Memorial Park nitong Miyerkules.

Marami ang mga kaanak, kaibigan at mga kababayan na nakipaglibing kay
Mercado kasama na dito ang iba pang atleta gaya ni Elma Muros.

Binigyan din ng pagpupugay si Mercado sa pamamagitan ng 21-gun salute ng
Philippine Navy bago tiklupin ang bandila ng Pilipinas na nasa kabaong nito na
iniabot sa kaanak ni Mercado.

Ayon sa anak ng atleta na si Stephanie de Koenigswarter, nagpapasalamat sila sa
mga sumuporta, tumulong, nakiramay at nakidalamhati sa kaniyang ina maging
ang mga nasa social media.

Aniya, mananatiling buhay sa kanilang ala-ala ang pagmamahal nito bilang ina at
ang naging ambag nito sa bansa sa larangan ng pampalakasan.
Ayon naman kay Muros, lubha siyang nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang
kaibigan dahil madami pa sana silang plano nito para makatulong sa mga kapwa
nila atleta.

Si De Vega-Mercado ay inilibing sa tabi ng kanyang yumaong ama na si Francisco
“Tatang” De Vega at anak na si John Michael Mercado.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here