Dawn of the new hunks

    542
    0
    SHARE

    Panahon na ng mga male hunks ng ACES model. Ang kanilang management ay nakatutok ngayon sa tatlo nilang male models. Hinog na raw ang tatlo at ready na sa laban sa entertainment world.

    Kaya nga matapos ang maraming acting workshops, isasalang na si Joe Alejandro Cabungcal sa mga indie movies.

    Presently, naghahanap raw sila ng tamang vehicle para kay Joe na posibleng isali sa mga film festivals gaya ng Cinemalaya at iba pa sa ibang bansa. Director Matt Navarro will direct Joe’s first indie movie at the right project comes along.

    “Sana nga po simulan na namin, I am dying to render yung maraming natutunan ko, ready na po ako,”says Joe when asked to comment tungkol sa mga projects niya. Accidental model naman daw ang hunk na si Chad Malit. Sinamahan lang daw ang mga pinsan nito sa isang model search, sa halip siya ang napusuan ng ACES.

    Sa ngayon he is being co-managed at sa modeling sa mga fashion shows sila nakatutok. Sa November 24, Chad will be in a big fashion event in no less than Smart-Araneta.

    Pinakabago namang member ng ACES si Daniel Dasalla Bato. Experienced model na ito kaya di na siya patumpik-tumpik pa. Alam na alam na niya ang kalakaran kung kaya natuto na siyang maging prangka and speaks his mind na walang halong kaplastikan.

    Napakaganda ng kanyang vision at pero pangunahin na rito yung gusto raw niya ang kanyang ginagawa at yun ang nagbibigay ng kaligayahan sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here