DARAB usad pagong kung umaksyon

    4123
    0
    SHARE
    Kung ang iyong edad sa kasalukuyan
    ay singkwenta anyos na aking kabayan,
    at ikaw ay mayrung asunto r’yan sa DAR,
    magpagawa ka na ng testamento riyan

    At kung kanino mo ‘yan ipamamana
    sa iyong mga anak dapat ay tukoy na,
    upang abutin man yan ng ‘30 years’ pa
    sa tanggapang ito (bago maresolba)

    Ay may maasahan kang magpapatuloy
    sakali’t abutin man ng higit pa r’on,
    at ikaw sa tagal ng investigation
    ay di pa nga ‘resolved’ bago ka madedbol.

    Pagkat inaabot ng di lang ‘twenty (20) years’
    ang pinakasimple nilang ‘pending cases’
    na dinidinig n’yan sa ‘Legal Department,’
    gaya nitong aking sa DAR ‘had encountered’!

    Na ngayon’y mahigit ng dalawampung taon
    nang ‘still pending on (for investigation,
    Oral argument or further resolution?’),
    Bunsod ng makupad nga nilang pag-aksyon.

    Gayong katulad nga ng ating nasabi,
    ang kasong naturan ay napakasimple;
    Sa dahilanang ang ‘beneficiary’
    ng ‘lot in question’ ay ‘defaulted’ na kasi;

    O ‘disqualified’ na bilang ‘allocatee’
    sa isinangla niyang kapirasong lote
    na hinayaan niyang marimata pati
    at ma-‘foreclosed,’ bago ito pinagbili;

    ‘In public auction’ ng bangkong inutangan
    nitong ka-asunto sa kasalukuyan
    ng abang lingkod n’yo na tunay din namang
    ‘Buyer in good faith’ at nasa katuwiran.

    At ang bilihan ay nangyari at sukat
    ‘Thru a lawful public auction’ na ginanap,
    (Kung kaya liban sa milagro sa DARAB
    anong panalo sa kaso ng ‘Defendant’?)

    Tama ba naman ang katuwiran nito
    na ang isinangla raw nila sa bangko
    ay 32 square meters lang umano
    at di itong buong 509 mismo?

    Na ‘total area ng property in question’
    at okupado pa mismo hanggang ngayon
    nitong ‘former owner ‘na ang tanging rason
    ay ang kantina lang ang ‘sinangla roon!

    (Where in this world you may secure a certain loan
    at any lending or banking institutions,
    in which the kitchen or just a small portion
    of your house is offered as guarantee at all?)

    Ipagpalagay nang pupuede ang ganun,
    eh bakit nangyaring pati kapirasong
    ‘Area’ na aniya ay ‘subject’ lamang ng loan
    ay di ibinukod nang tituluan yun?

    Kundi ‘509 square meters’ pa rin
    ang ‘total area’ n’yan sa titulo manding
    inisyu r’yan ng ‘Register of Deeds’ natin,
    gayong ito ay may kasong nakabimbin?

    Na ngayon ay ‘still pending at the PARAB
    for its final judgment, ordering issuant
    to cancel the title issued to Defendant
    and issue a new one to herein Complainant’.

    Pero hayan, dahil nga sa usad pagong
    ang DAR sa marapat gawan n’yan ng aksyon
    ay di pa rin maresolba hanggang ngayon
    ang ganun kasimpleng kaso ‘pending’ doon;

    (Sana, bago kami parehong madedbol ni Cruz, lumabas na ang pinal na hatol!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here