Home Headlines Dancing Reyna Elena sa Santakrusan ng LGBTQIA

Dancing Reyna Elena sa Santakrusan ng LGBTQIA

421
0
SHARE

Samal, Bataan — Nagdaos ng bersiyon ng Santakrusan na tinawag na “Sagayla” ang mga kabilang sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex and Asexual (LGBTQIA) community dito Sabado ng gabi.

Taunang ginaganap ito ng mga kasapi ng LGBTQIA sa Samal bilang pagdiriwang ng Pride Month.

Nagpabonggahan sa suot nilang gown ang mga kalahok na hindi nagsawa sa pagngiti sa mga taong nakahanay sa tabi ng mga kalsada.

Panay naman ang sayaw ng Reyna Elena sa ilalim ng nag-iisang bulaklaking arko sa saliw ng mga drums.

Walang ulan, walang thunderstorm at maganda ang panahon kaya masayang naidaos ang pagdiriwang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here