DAHIL SA BAHA
    3 brgy sa Hermosa nagmistulang dagat

    294
    0
    SHARE

    HERMOSA, Bataan – Mistulang dagat ang tatlong barangay dito dahil sa pagbuhos ng malalakas na ulan noongLinggo.

    Hindi sinanto ng matinding baha ang malalaki at magagandang bahay sa barangay Almacen, na tulad din ng mga pangkaraniwang bahay ay lubog din satubig. Ang kabukiran, ang malapad at malaking Almacen River at ang kalsada ay halos iisa na.

    Lubog din sa tubig ang simbahan at barangay hall.

    Nasa pagitan ng anim at walong talampakan ang lalim ng tubig sa Almacen. Bangkang de motor ang sistema ng transportasyon sa sementadong kalsada.

    Hanggang beywang naman ang tubig-baha sa barangay Daungan na labasan mula sa Almacen. Sa barangay A. Rivera naman na hanggang hita ang tubig ay bangka rin ang sinasakyan.

    Tila hindi alintana ng mga bata ang malaking tubig, sa halip ay masaya pa silang naglaro sakay ng tinibag na puno ng saging.

    Sinabi ng mga residente na waring nasanay na sa kanilang kalagayan na kung titigil ang ulan ay tatagal pa ng dalawa hanggang tatlong araw ang baha.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here