marahil ni B.S. Aquino, magmula
nang maupo bilang Pangulo ng bansa
ay itong ngayon ay laman ng balita;
Na kung saan itong marapat tanggaping
karagdagang pension ng SSS members
ay hinarang nito gayong ang nasabing
alokasyon okey, sa Senate at Congress.
At ilang buwan din namang dumaan yan
sa deliberasyon ng dalawang sangay
ng mababa’t mataas na kapulungan,
kaya plantsado na sa puntong naturan.
Kaya para i-veto yan ng Pangulo
ay di lamang SSS pensioners siguro
itong sa kanya ay pihong magtatampo
kundi pati na rin ang kaanak nito.
Pagkat imbes sila ay may maasahang
pambili man lang ng gamot na kailangan
ni tatay at lolo ay biglang naparam
ng dahil na rin syempre sa Malakanyang!
Mali ang katuwiran ni B.S. Aquino,
na isangkalan niyang di sapat ang pondo
ng SSS para aprubahan nito
ang kahilingan na tig-dalawang libo
Na karagdagan sa dating tinatanggap
ng SSS pensioners na hinarang kagyat
ni PNoy imbes sa ya’y apruban agad,
pagkat ang pondo ay hindi raw sasapat
Sa aniya’y hanggang ‘year 2029’
kung ipahintulot niyang sila ay mabigyan
nitong karagdagang pensyong inapruban
ng dalawang sangay ng ating Batasan.
Pero natural lang na ang mambabatas
na nag-mosyon nito para maging batas
ay maalam sa bagay na nararapat
isulong sa ikabubuti ng lahat.
At di basta sila mag-aapruba riyan
ng mosyon o anumang panukala riyan
para maging batas kung di nila alam
na mayrung sapat na pondong mapagkunan.
Kakaunting halaga, ipagkakait pa
ni PNoy sa SSS pensioners, (na sana
ay malaking tulong para sa kanila
ang dalawang libo kung inapruban niya)
Sa akala kaya ng ating Pangulo
ay makabubuti sa kanyang partido
itong karaka ay ginawang pag-veto
sa dapat makuhang dagdag benepisyo
Ng mga SSS pensioners na ngayon
ay tiyakang di na kasangga ni PNoy
sa ginawa niya – at kung saan itong
si Roxas ay damay sa di niya pagpabor;
Sa inakdang batas ng Congress at Senate,
kung saan winalang-saysay ni President,
sa di makatuwirang dahilan kung bakit
ang di na niya sakop ay gustong igiit!
Ano pang papel ni PNoy sa susunod
na ’14 years’ bakit pati di niya sakop
ay sinasangkalan nitong mauubos
ang pondo kapagka’ sila ang nasunod?
Tapos na ang kanyang pagiging Pangulo
sa paparating na atreynta (30th )ng Junyo,
kaya ano pa nga ang pakialam nito
sa susunod na uupo sa Palasyo?
(O baka ang pera ay balak gamitin
muna ni PNoy sa eleksyong darating
kaya anhin na lang niya ay ipitin
ang perang para sa SSS pensioners?!)