Humakot uli ng mga ‘major awards’
Ang kinikilalang isa sa maunlad
Na lungsod dito sa bansang Pilipinas,
Sa pamamahala nitong ating ‘World Class
City Mayor’ Atty. Oscar Rodriguez,
For being Most Business-Friendly Local Unit’;
Gawad Pamana ng Lahi at ‘Best Public
Employment Service’ ng tanggapang nabanggit.
Kung saan pang-tatlong pagkakataon na
Para sa siyudad ang magawaran siya,
‘As the country’s most business-friendly’ kumbaga,
Sa ilalim ng nasabing kategorya.
And it’s the second time this component city
Has been awarded on the same category,
As best PESO unit all over the country
Under said component city category.
At pinaka-bago: ‘Seal of Good Housekeeping’
Na nagpapamalas ng husay at galing
Ng isang ‘local chief executive’ natin
Sa pagmantine ng pondo at gastusin.
(Kumpara sa isang ama ng tahanan
Ay modelo siya ng di nagsusugal,
Nag-iinom at/o naliligaw minsan
Sa patay-sindi ang ilaw sa labasan.
Kaya naman, hayan imbes na mabaon
Sa utang ng hanggang leeg ang ‘city hall,
Gawa ng iba riyan ay di nagka-gan’on
Kahit marami ang naipatapos ngayon
Kumpara sa dati, base na rin sa ‘ting
Masusi’t matamang pag-obserba mandin;
Kung saan kahit pa lang sa unang tingin,
Ang pagkakaiba ay kapansin-pansin)
Na pinagkaloob nitong DILG
For winning the 1st place on said category
In the regional sector by the same city;
Dahilan na rin sa husay ng Alkalde.
At kasanayan n’yan sa pamamahala,
Kaya naman kahit sa labas ng bansa
Ay talaga namang saludo kay Oca
Ang sa kanya ay may lubos na paghanga.
Na mabibilang sa daliri ang tulad niya
Pagdating sa puntong serbisyong pang-masa;
Kung kaya marahil tagumpay lagi na
Ang lahat ng kanyang magandang programa.
At mga naisin sa ikauunlad
Ng ngayon ay lalong lumalagong siyudad;
Kaya naman di na mabilang ang ‘awards’
Ang sa puntong ito ay kanyang natanggap.
At pinaka-huli, “Pamana ng Lahi”
At itong nabanggit sa unang bahagi;
Na kung saan itong ‘good governance’ lagi
Ni mayor Rodriguez ang parating sanhi
Kung bakit hayan at nagkasunod-sunod
Pat natanggap na papuri ng lungsod,
Na lalo pang sadyang nagpatingkad lubos
Sa kahusayan sa gawang paglilingkod.
“Ito ay isa pang malinaw na hamon
Para sa aming nasa administrasyon
Upang lalo pa po naming maisulong
Ang serbisyong pambayan,” ayon kay Mayor.