Home Headlines Crop Establishment Technology Demonstration, isinagawa ng PhilRice sa San Marcelino

Crop Establishment Technology Demonstration, isinagawa ng PhilRice sa San Marcelino

596
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — Nagsagawa ng Crop Establishment Technology Demonstration ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa San Marcelino, Zambales.

Layunin nito na maiangat ang antas ng pagsasaka upang maging mas competitive ang mga magsasaka na di na pahuhuli sa farming techniques ng mga karating bansa sa Asya.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Regional Field Office III Research Division Chief Irene Adion, tampok sa demonstrasyon ang iba’t-ibang makabagong kagamitang pansaka.

Nagsagawa ng Crop Establishment Technology Demonstration ang Philippine Rice Research Institute sa San Marcelino, Zambales. (San Marcelino LGU)

Kabilang na riyan ang mechanical rice transplanter, mechanical rice spreader at direct seeding.

Ito ay nilahukan ng nasa 50 mga mag-aaral mula sa Dagui Farmer School at mga magsasaka.

Nagpasalamat naman si Vice Mayor Cristopher “Jimbo” Gongora sa DA at PhilRice sa patuloy na pagbaba ng mga programang pang agrikultura sa kanilang bayan. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here