NAGING ex-boyfriend ni Cristine Reyes si Mark Herras bukod pa nga sa magkakasabayan sila dati sa Starstruck with Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Nadine Samonte, etc.
Kaya naman hindi maiwasang mahingan ng reaksyon si Cristine hinggil sa pagkakaroon ng baby ni Mark at pagiging unwed father nito. “Nagulat ako kasi, daddy na siya,” say ni Cristine.
May communication pa rin naman kasi sila ni Mark at aniya, medyo nararamdaman nga niya na may kakaibang nangyayari kay Mark pero dahil nga bisi-bisihan daw siya ay hindi na sila nakapag-usap pa nang masinsinan.
“Alam naman ni Mark na ’pag may kailangan siya, alam naman niya kung saan ako hahanapin. And pamilya pa rin kami, meron kaming grupo sa Starstruck. Lagi pa rin kaming nag-uusap. Lahat kami, meron kaming isang group, Survivor,” say ni Cristine.
Ayon kay Cristine ay kilala niya ang handler ni Mark na sinasabi ngang ina ng anak ng aktor. “Handler ko siya dati,” say ni Cristine. “Model-type,” pagdi-describe niya sa ina ng anak ni Mark.
Natanong nga si Cristine kung how would she feel kung siya naman ang nasa posisyon ni Ynna Asistio na girlfriend ni Mark at the time na nakabuntis ito. “Wala. Eh, di, ganoon talaga ang buhay, eh. We have to deal with it,” say pa ng leading lady ni Paulo Avelino sa Honesto.
Hindi ba siya naiinggit sa mga ka-batch niya sa Starstruck na karamihan ay may mga anak na ngayon? “Gusto ko na nga rin, eh,” natatawa niyang sagot. “Kaya nga, lagi ko ngang hinihiram ang mga pamangkin ko, eh. Alam nila ’yun. ’Yon ’yung hinaing ko nu’n sa kanila, ‘gusto ko ng baby.’ Pero wala, bawal, eh.”
Mga after two years pa raw siguro bago niya isipin ang mag- settle down at magkaroon ng sariling anak.