Home Headlines Covid-19 sa Zambales 50 na, bagong kaso naitala sa San Marcelino

Covid-19 sa Zambales 50 na, bagong kaso naitala sa San Marcelino

138
0
SHARE

SAN MARCELINO, Zambales — Umakyat sa 50 ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa buong lalawigan ng Zambales matapos magpositibo ang isang residente dito.

Iniulat ni local inter-agency task force chairman Mayor Elvis Soria na ang pasyente ay isang 41-anyos na lalaki, walang sintomas, at nasa mabuting kalagayan.

Ang pasyente ay lumuwas sa Maynila noong July 21 para sa interview sa kanyang kumpanya at sumailalim sa Rapid Diagnostic Testing at negatibo naman ang resulta. Sumailalim naman siya sa RT-PCR test July 25, at batay sa resulta na ipinalabas ng Detoxicare  Philippines Inc. nitong July 27, siya ay kumpirmadong  positibo sa Covid-19.

Kasalukuyang nagsasagawa ang municipal health office ng contact tracing sa kaniyang mga direktang nakasalamuha at sila ay pinapayuhan na mag-home quarantine at obserbahan ang kanilang sarili kung may lalabas na sintomas.

Sila din ay isasailalim sa RDT at magsasagawa din ng disinfection sa kanilang lugar.

Muli ang mahigpit na pagpapaalala na manatiling malinis sa pangangatawan at kapaligiran, sumunod sa ipinatitutupad na physical distancing kasabay ng pag-sunod sa mga alituntunin ng modified general community quarantine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here