Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 4 patay sa 1 araw; confirmed cases 3,349 na

Covid-19 sa Bulacan: 4 patay sa 1 araw; confirmed cases 3,349 na

570
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Apat ang naitalang namatay habang 41 ang nadagdag na kaso at 44 ang nakarekober sa Covid-19 sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles.

Sa tala ng provincial health office, ang apat na mga nasawi ay dalawa sa lungsod na ito at dalawa sa San Jose del Monte. Pumalo na sa 83 ang kabuuang bilang nga mga namatay sa Covid sa lalawigan.

Sa dagdag na 41, umakyat na sa 1,467 ang bilang ng active cases habang 1,799 naman ang recovered casesdahil sa 44 na huling mga gumaling.

Sa kabuuan ay 3,349 na ang bilang ng confirmed cases ng coronavirus sa lalawigan.

Ipinaalaala ng PHO sa publiko na palagiang maghugas ng kamay, magsuot ng facemask at panatiliin ang social distancing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here