Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 12 na ang patay, 10 bagong kaso

Covid-19 sa Bulacan: 12 na ang patay, 10 bagong kaso

1110
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS —- Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga namatay dahil sa Covid-19 sa Bulacan at sa loob lamang ng isang araw ay naitala ang 10 mga bagong kaso na nagpositibo.

Batay sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Health Office, lima ang nadagdag sa listahan ng mga namatay: isang 32 anyos na babae mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte, isang 55 anyos na lalake mula sa San Miguel, isang 76 anyos na lalake mula sa Sta. Maria, isang 60 anyos na lalake, at isa pang 59 anyos na lalake mula sa Malolos.

Bukod sa mga namatay ay sampung bagong kaso na nagpositibo sa virus ang naitala nitong Lunes.

Ito ay ang isang 55 anyos na lalake mula sa San Miguel, 46 anyos na lalake sa Pulilan, 76 anyos na lalake at isang 53 anyos na babae mula sa Sta. Maria, 65 anyos na babae at isang 32 anyos na lalake mula San Jose Del Monte, 52 anyos na lalake sa Calumpit, 55 anyos na lalake at isang 60 anyos na lalake sa Malolos at isang 22 anyos na babae mula sa bayan ng Marilao.

Kayat sa kabuuan ay 12 na ang naitatalang namataydahil sa Covid-19 at 28 na ang nagpopositibo sa lalawigan kumpara sa 18 kaso lamang batay sa talaan noong Linggo ng hapon.

Samantalang nasa 271 naman ang persons under investigation at 110 naman ang cleared cases sa mga ito, habang 1,808 naman ang persons under monitoring at 1,1720 na ang cleared cases.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here