Home Headlines Covid-19 sa Batan: 1 y/o bagong naka-rekober

Covid-19 sa Batan: 1 y/o bagong naka-rekober

505
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA Tatlo, kabilang ang isangtaonggulang na lalaki, ang bagong gumaling sa sakit na dulot ng coronavirus disease sa Bataan, batay sa pahayag ng provincial health office ngayong Martes.

Ang bata ay mula sa bayan ng Orani, samantalang ang dalawa ay 28anyos na lalaking health worker sa Bagac, at 19anyos na lalaki mula sa Balanga City.

Sa bagong tala ng PHO, may kabuuang bilang na 123 na ang naka-rekober sa Covid19 sa lalawigan.

Nananatiling 147 ang kumpirmadong naging positibo sa virus kung saan 123 nga ang naka-rekober, at pito ang pumanaw na.

Ang naghihintay ng resulta ng test ay 284, samantalang 2,084 ang nag-negatibo, kabilang ang tatlong bago, mula sa kabuuang 2,515 na sumailalim sa laboratory exam.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here