Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso 799 na

Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso 799 na

891
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umakyat na sa 799 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos madagdagan ng panibagong 25, batay sa report ng provincial health office Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes na kabilang sa mga bagong kaso ay anim na senior citizen at isang kabataan.

Ang mga ito ay isang 64-anyos, 72-anyos, at 64-anyos na health worker, pawang mga babae; 60-anyos at 66-anyos, parehong lalakilahat mula sa Mariveles, at isang 78-anyos na babae mula sa Pilar.

Isang anim na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles ang kasama sa mga bagong kaso. Ang iba pa ay 17 mula pa rin sa Mariveles at isa sa Balanga City.

Lumabas sa contact tracing na 16 sa 25 bagong kumpirmadong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid19.

Ipinapakita rin ng ulat ng PHO na 23 sa 25 na bagong kaso ay mula sa Mariveles na kinaroroonan ng Freeport Area of Bataan. Kasalukuyang nasa ilalim ng lockdown ang ilang kumpanya sa FAB at ilang barangay sa Mariveles.

Ang malaki at modernong Balanga City Public Market man ay naka-lockdown simula Huwebes ng haponhanggang Sabado at bubuksang muli sa Linggo ng umaga.

Tumaas naman sa 499 ang bilang ng mga nakarekober na matapos magtala ng 17 bagong gumaling sa nakakatakot  na virus.

Ang mga ito ay walo mula sa Abucay, lima sa Limay, at tig-iisa sa Balanga City, Orion, Morong, at Mariveles.

Ang bilang ng aktibong mga kaso o ang hindi pa gumagaling sa Covid19 ay 284 habang nananatiling 16 ang nasawi na.

Nagnegatibo na ang 11,851 at naghihintay ng resulta ang 185 mula sa 12,835 na sumailalim sa Covid19 test, sabi ng PHO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here