Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso 1,374 na

Covid-19 sa Bataan: Kumpirmadong kaso 1,374 na

572
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Umabot na sa 21 ang lahat ng namamatay sa coronavirus disease sa Bataan matapos may maitalang isang bagong nasawi samantalang patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 na umakyat na sa 1,374.

Batay sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes, ang nasawi ay isang 62-anyos na lalaki mula sa OraniTumaas naman sa 612 ang bilang ng mga aktibong kaso.

Sa 42 na bagong kumpirmadong kaso, 32 ang lumalabas sa contact tracing na nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa Covid-19.

Ang mga ito ay 15 mula sa Mariveles kabilang ang pitong health worker; siyam sa Orion, tig-tatlo sa Balanga City at Limay at dalawa mula sa Pilar.

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay tatlo mula sa Pilar, tig-dalawa sa Dinalupihan at Orion, at tig-iisa sa Mariveles, Orani at Balanga City.

May natala namang 31 bagong gumaling kaya umabot na sa 710 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na, na kinabibilangan ng 26 mula sa Mariveles, tatlo sa Balanga City at dalawa sa Limay.

Mula sa 16,448 na sumailalim sa Covid-19 test, 14,779 ang nagnegatibo na at 295 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here