Home Headlines Covid-19 sa Bataan: Kaso pumalo na sa 3,225

Covid-19 sa Bataan: Kaso pumalo na sa 3,225

805
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Pumalo  na sa 3,225 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan matapos magtala ng 19 na bagong nagpositibo sa mapanganib na sakit, ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes.

Dahilan ito upang umakyat sa 230 ang mga aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling. May 67 naman ang pumanaw na.

Ang mga bagong nagpositibo ay pito mula sa Balanga City, lima sa Abucay, tatlo sa Dinalupihan, at tig-dalawa sa Orion at Mariveles.

Isang tatlong gulang na lalaki mula sa Abucay ang pinakabata sa mga bagong kumpirmadong kaso.

Samantala, umabot sa 2,928 ang bilang ng nakarekober na nang magkaroon ng 15 bagong gumaling – tig-tatlo sa Limay at Mariveles, tig-dalawa sa Balanga City, Dinalupihan, Orani at Samal, at isa sa Orion.

Ang pinakabata ay 17 taon at ang pinakamatanda ay 68 taon.

Mula sa 35,151 na sumailalim sa Covid19 test, 31,695 ang nagnegatibo na at 231 ang naghihintay ng resulta.

Sinabi ng governor na kaugnay ng  pagnanais niya na mas mapabilis pa at maging mas epektibo ang Test, Trace and Treat system na isinasagawa upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 sa lalawigan, patuloy  ang pagkompleto nila sa mga kagamitan sa itinatayong molecular laboratory sa Mariveles.

Ganoon din, aniya, ang pagsasanay ng mga maitatalagang medical technologists bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng naturang pasilidad sa Disyembre.

Isinaayos na rin umano ang mga karagdagang kagamitan gaya ng Airstream Polymerase Chain Reaction (PCR), sample refrigerator, incubator, extraction machines at biosafety cabinet mula sa mga nangungunang manufacturers ng laboratory equipment sa bansa na Macare Medicals, Inc., Perkin Elmer at Esco Philippines, Inc.

Patuloy kong hinihingi ang inyong pakikiisa upang tuluyan na nating mapigilan ang pagtaas ng mga kaso sa ating lalawigan. Palagi nating tandaan na malaking bahagi ng ating kaligtasan ay nasa ating mga kamay,” sabi ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here